NATANGGAL PO AKO sa trabaho ko sa Macau nang hindi pa tapos ang a-king kontrata. Walang dahilan at hindi nagkaroon ng imbestigasyon at pagdinig sa aking kaso. Nang magsumbong ako sa aking ahensya tungkol sa ginawa ng aking employer, sinabihan ako na huwag na lang maghabol. Anila, iba ang batas sa Pilipinas at iba ang batas sa ibang bansa. Tama po ba ang sinabi ng aking ahensya?— Pol ng Rodriguez, Rizal
MALI ANG INTERPRETASYON ng ahensya mo.
Sa batas ng Pilipinas, may probisyon ang Labor Code na nagbibigay-proteksyon sa mga manggagawa. Isa na rito ang ‘di basta pagdi-dismiss sa manggagawa nang walang legal na dahilan (just o authorized cause) at pagdinig (due process). Kapag nilabag ito ng employer, ang manggagawa ay maaaring magsampa ng kaso ng illegal dismissal at makakakolekta siya ng danyos o kabayaran.
Ang ganitong probisyon ng batas ay tinitiyak ng pamahalaan natin na ipinatutupad din sa ibang bansa. Tinitiyak muna ng POEA na ang kontratang nilalagdaan ng OFW ay may mga probisyon tungkol sa proteksyong ito. Kung hindi protektado ang mga kababayan natin, hindi pahihintulutan ang pagpapadala ng mga manggagawa sa nasabing bansa.
Hindi dapat pahintulutan ng pamahalaan natin na ang mga benepisyo at proteksyon sa abroad ay mas mababa kaysa mga benepisyo at proteksyon na iginagawad natin sa ating mga manggagawa rito.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users) E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo