OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka!
‘Eto na nga, nakakaloka ang Comelec kung bakit pilit na-disqualify itong si Juke Box Queen Imelda Papin na kumakandidato sa lone district ng San Jose del Monte City, Bulacan bilang congressman.
Kasi nga naman, bakit pinayagang magparehistro? At ang sabi, malakas ang kalaban sa Comelec kaya pilit na tinatanggal bilang kandidato para congressman. Kasi nga napakalakas ng laban ni Imelda, kasi dalawa ang kalaban niya na parehas ang family name.
At nagtataka raw ito, kasi ang ground of suspension niya ay ang residency. Bakit daw nu’ng 2010, kumandidato itong senador, iba ang address sa pagkandidato niya? Teka, bakit marami rin d’yan kumakandidato sa ngayon na iba ang address sa dati, na kandidatong maging mayor, congressman, governor, at senador? Take note, Comelec 2010, ano na tayo ngayon, 2013? Bakit parang si Imelda lang ang pinag-iinitan nila?
Ayaw ko na lang magbanggit ng mga kandidato na gano’n din ang kanilang naging problema pero tuluy-tuloy pa rin ang pagkandidato nila at okey lang sa Comelec.
Sana naman maresolbahan ito ng Comelec, kasi marami ang umaasa kay Imelda sa San Jose del Monte City. Kasi matagal na itong tumutulong na kahit hindi pa siya kumakandidato, marami na siyang scholar, at matagal nang may negosyo siya at dalawa ang bahay niya. At mayroon kaming showbiz village d’yan at matagal na itong kaibigan ng kasalukuyang mayor na si San Pedro. Matagal na siyang katuwang sa mga project ni Mayor San Pedro, kaya imposibleng ma-disqualify ang isang Imelda Papin.
Balitang magra-rally ang mga taga-suporta ni Imelda sa Comelec. Let’s wait and see na lang, kung ano ang kahihinatnan ng kandidatura ni Imelda Papin.
SPEAKING OF pulitika, hindi na nag-attempt itong kaibigan kong si Arnell Arevalo Ignacio bi-lang councilor ng unang distrito ng Lungsod Quezon. Kasi, katuwiran niya, nakatutulong naman siya kahit wala sa pulitika. Isa pa, hindi siguro siya suwerte sa pulitika. Kasi minsan na niyang sinubukan ito.
Kaya sa pamamagitan na lang ng pagtulong sa ating mga kababayan na kahit hindi niya kalugar, tulad ng napanood ko sa Talentadong Pinoy na isa siya sa mga hurado, biglang tumulo ang luha ni Arnell sa isang contestant na mga taga-Infanta, Quezon. Kaya nu’ng isang araw, pumunta sa bahay ni Arnell ang mga taga-Infanta at binigyan niya ng isang katutak na encyclopedia at computer.
Kasi nga naiyak siya nu’ng himingi sila sa Ta-lentadong Pinoy nu’ng Linggo, dahil nasalanta ang kanilang library ng bagyo at hanggang ngayon ay hindi pa maka-recover.
Kaya sa pamamagitan ni Arnell, hindi na siya nagdalawang salita, at ‘eto, solve ang problema ng mga taga-Infanta, Quezon. Talagang nasa puso ni Arnelli ang pagtulong na kahit wala siya sa pulitika ay handang tumulong sa nangangailangan.
‘Yan si Arnell, bonggacious!!!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding