SA WAKAS ay ipinalabas na rin ang kakaibang series ni Jason Paul Laxamana for iWant Originals and Dreamscape Digital na ‘Project Feb 14‘. Ito ay pinagbibidahan ng Kapamilya stars na sina JC Santos, McCoy de Leon at Jane Oineza na last year pa pinakananabikan ng mga fans ng tatlo.
Sa totoo lang, disturbing and morbid ang mga eksena sa Project Feb 14 kaya hindi ito maaaring mapanood ng mga bata. Punong-puno ng sex and violence, but at the same time ay nabubuksan ang kaisipan ng mga manonood sa iba’t ibang klase ng mental health issues at maaaring makatulong din sa iba na maintindihan nila kung bakit may mga bagay-bagay silang nagagawa na sa tingin ng iba ay napakanegative.
Ang alam namin, originally ay February 13 nila ito ilalabas in time for Valentine’s Eve. Ang kaso, napag-isipan ‘ata ng management na magdagdag ng mga interviews with experts after every episode para mabalanse ang dark theme at pagiging educational nito.
Given na magaling talaga si JC Santos. Kuhang-kuha niya ang character niya bilang isang documentary filmmaker na may schizophrenia. At the same time, walang empathy ang kanyang karakter na ang concern lang ay matapos ang kanyang documentary. Wala siyang pakiramdam kahit pa namamatay o napapahamak ang mga tao na nasa harapan niya. Matapang din ito na nagpakita ng pwetmalu.
Si McCoy de Leon naman ay nakawala na rin sa kanyang pabebe image. Aminin man natin o hindi, marami ang nagsasabi noon na hindi ito marunong umarte. Siguro ay dumaan na rin ito sa workshop at nadala rin siya ng kanyang co-stars at direktor.
Si Jane Oineza ang isa sa underrated actresses ng ABS-CBN. Napaka-unstable ng character niya rito bilang Annie na it takes an intelligent actress to ‘pull the trigger’.
Ang Project Feb 14 ay magandang i-binge watch. With six episodes, we can say na this is so far one of the best digital series na gawa ng Pinoy.