Disyembre na, halina’t mag-reunion sa mga rooftop chillax spots sa Metro

ANG BUWAN ng Disyembre ay jampack na buwan para sa lahat ng mga Pinoy. Maraming kaganapan sa buwan na ito. Kabilaan ang mga salu-salo at kasiyahan. Paano ba naman, kay raming dahilan upang mag-celebrate! Kapag buwan ng Disyembre, aba, sem-ender ‘yan ng karamihan sa mga kolehiyo rito sa bansa kaya naman dito inilalabas ang grades ng mga bagets. Para sa mga nasa honor roll, dapat nga namang i-celebrate iyon! Para naman sa mga bagets na wala man sa honor roll pero makikita naman ang malaking improvement sa grades, i-celebrate pa rin ‘yan! Para naman sa mga hindi gaanong pinagpala sa grades, kung desidido ka namang magsipag at magtiyaga na mag-aral sa susunod na sem, may rason pa rin upang maging masaya! Kaya naman, i-advance mo na ang celebration!

Karamihan sa mga ate, kuya, mama, papa, tita at tito na nagtatrabaho, ang Disyembre ay nagmamarka na natanggap na nila ang kanilang 13th month pay at may padating pang mga bonuses at incentives! Kaya naman may budget para mag-celebrate.

At siyempre, kapag magpa-Pasko na, isa lang din ang ibig sabihin niyan! Magkakaroon ang bawat isa ng Christmas break! Mapa-work man ‘yan o sa eskuwela, kaya naman dahil walang pasok, malamang lahat ay humihirit na magkita-kita o mag-reunion. Ngunit, dahil taun-taon na nating isinasagawa ito, sa katunayan naging tradisyon pa nga natin ito, ang tanong ay: Saan naman magandang magdaos ng salu-salo?

Kung naghahanap kayo ng kakaibang lugar para pagdausan ng celebrations n’yo na magpa-pamilya, magba-barkada o magno-nobyo at nobya, bakit hindi n’yo subukan ang mga rooftop chill spots na narito lang sa paligid ng Metro Manila?

1. Verona

Kung gusto mo ng quiet feels kasama ang iyong special someone o tinatapos na pocket book habang nasa rooftop, magtungo sa Verona sa may Shaw Boulevard. Nasa ika-23 palapag ito ng gusali kaya naman ang view ng Bonifacio Global City, Rockwell at Pioneer Street ay tila ba abot kamay mo. Maganda ang decorations dito na siyang magpapadagdag ng sweet ambiance sa lugar. Samahan mo pa ng masasarap na cocktails gaya ng piña colada sa halagang 65 pesos lamang at dry martini na 85 pesos. Huwag n’yo ring kalimutan tikman ang kanilang mga speciality tulad ng bar chows with spicy nuts (110 pesos), taquitos (250 pesos) at beef salpicao (280 pesos).

Bukas ang Verona mula Lunes hanggang Sabado, 5: 30PM hanggang 11PM.

2. OZ’s Bar

Kung gusto mo naman ng bar vibes pero sawa ka na sa mga nagkalat na bars sa paligid. Puntahan ang OZ’s Bar sa 20th floor ng Holiday Inn & Suites sa Palm Drive, Ayala Center, Makati City.

Magpaka-cozzy at sossy sa Oz’s bar habang nagtsi-chill kasama ang friends. May indoor bar ito at pool sa tabi kaya naman feel na feel ang pag-chill kasama ang barkada. Mag-order din ng local beers sa halagang 140 pesos at vegetable tempura sa halagang 260 pesos. Bukas ito tuwing Linggo hanggang Miyerkules ng 11AM hanggang 12AM, at Huwebes hanggang Sabado mula 11AM hanggang 1AM.

3. 71 GRAMERCY

Ito na ang pinakamataas sa lahat ng matataas na rooftop bars na nasa Metro Manila. Kung gusto ng party all night magtungo na rito at makisayaw sa mga EDM na pinatutugtog ng DJ. May restaurant pa ang 71 Gramercy kaya order all night na rin! Bukas ang 71 Gramercy mula Lunes hanggang Sabado, 6PM hanggang 3AM.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

Previous articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 7 Issue 147 December 01 – 02, 2014
Next articleObligasyo ng Ama na Bigyan ng Suporta ang Anak

No posts to display