BIHIRANG MAGSALITA tungkol sa kanyang pa-milya si Divine Lee. Masaya man siya dahil sa pagkapanalo niya ng Best New Female TV Personality sa nakaraang 26th Star Awards for TV, hindi naman nito mapigilang maging emosyonal nang napag-usapan na ang tungkol sa kanyang family na itinuturing niyang ‘very private matter.’
Last November 24, sa live interview sa kanya ng kanyang mga co-hosts sa ‘Ang Latest: Updated’ ng TV5, nagpakita ng katatagan ang girlfriend ni Victor Basa kahit umiiyak na ito para lang maitawid ang kanyang saloobin sa mga ‘bagyo ng problema’ na kinakaharap ng pamilya.
Kuwento ni Divine, “I think kasi sa dami ng pinagdaanan ko, nag-crack na ‘yung boses ko, alam ni Nanay (Cristy Fermin) ‘yun, alam niya ‘yung buhay ko.
“Ah, ‘yung puwede mo lang ma-control, the way you react, so parang I would rather na gawin siyang positive, kaysa gawin na parang… so parang ayoko nang tutukan ng pansin ‘yung mga masasama, kasi for me, there are things to be happy about.”
Pagpapatuloy pa niya sa gitna ng pagluha, “Parang ‘yung diyos lagi kang binibigyan ng things to laugh about, to smile, ‘di ba? Ano ba ‘to? ‘Yun… so du’n na lang ako nagpo-focus.
“Tapos, halimbawa kung malungkot ako, tatayo ka, at sasabihin kong at least may kama pa akong tinutulugan. O, ‘di ba, nakatulog pa ako na may kama.
“Parang ganu’n, so du’n na lang ang focus, so alam ko kapag na-ging negative ako, wala akong matututunan, mas maganda ‘yung i-focus ko, pati tweets ko, (halimbawa) sa bagyo, ‘di ba? Kumbaga du’n ko na lang binabawi.”
Hindi man masyadong malinaw, maluha-luha pa rin ito nang magpaabot ng mensahe sa ama. Sabi niya, “Ah, ano, may time pa hangga’t buhay pa, may time pa, alam mo ‘yon. Lahat naman may chance, lahat naman kami mahal na mahal siya.”
“Ah, hindi ‘yun natatapos, kahit na ano ‘yun. We don’t, I don’t take that we should be defined by our past. It should be about our future.”
Nakapag-usap pa ba sila ng tatay niya? “Hindi po kasi I think ‘yun naman po ang gusto niya, nu’ng nagkagulo, talagang hindi na po. Ang una niya pong sinabi, ‘yung mga bata, huwag nang isama, so parang ako bilang ‘yung pinakamakulit na anak parang hindi na rin po ako nagpu-push na parang hanapin or kausapin. Kasi for me, hindi na po dapat, kasi I think mas magugulo lang po ‘yung isip niya.
“Kasi kung iisipin niya pa pati mga anak niya, at least nakikita niya po ako sa TV na masaya, umiiyak ako, pero masaya pa rin ako. Na nakita na may trabaho ako, so hindi siya kailangang mag-worry.”
Mensahe pa niya sa ama, “Tatagan mo lang ‘yan, alam mo ‘yun, it will all pass, alam mo ‘yun. Parang gabi-gabi naman, nagro-rosaryo ako, hindi naman tayo pababayan ng Diyos.”
PAGDATING DAW sa pag-arte, angat daw ang Artista Academy Best Actor na si Vin Abrenica sa kanyang kapatid na si Aljur. Ito ay ayon naman sa obserbasyon ng karamihan.
So, may sibling rivalry na nga ba sila dahil sa tsikang mas angat siya sa kapatid pagdating sa pag-arte?
Kuwento ni Vin, “Wala namang rivalry. Actually he’s really proud, sina-
sabi niya sakin. Siya ang nagtse-check ng buhay ko sa showbiz, sinasabi niya so far so good. Wala ring kumpetisyon, wala talaga, sinusuportahan niya ako.”
Marami ang nakapapansin na diumao ay ‘more than friends’ na ang pagiging loveteam nila ni Sophie Albert. Ano ba ang totoo tungkol dito?
Say nito, “Kami talaga, we’re getting close, dati close kami talaga sa AA (Artista Academy) pa, tapos solid pa rin kami hanggang ngayon. ‘Yung iba hindi nage-gets, akala nila minsan kami na ni Sophie, minsan silang dalawa naman ni Jon (Orlando, AA student din) meron talagang solid, kaming tatlo we’re bestfriends.”
Incidentally, magkakaroon ng show sa Zirkoh Morato sina Vin, Aljur at ang kanilang ama na si Jojo na pinamagatang ‘Father and Sons’ sa darating na December 8, 2012.
Sure na ‘to
By Arniel Serato