ISANG PLAYFUL at girly na medyo boyish ang dating, updated sa mga dapat pag-usapan na social issues at isang makabagong Maria Clara. Anyways, kasi ba naman, sa araw-araw na may mga kakulitan sa radio eh, naa-analyze niya ang mga people na ka-something niya. I mean, mga kausap on-air. Kaya ito ang aming napag-chikkihan.
Ano ang stand mo sa concern ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT)? “For the sexual preference. I don’t care if they’re like gays or lesbians. I support them. My sister is a lesbian, so I have no choice but to support them.”
You’re for their acceptance to sexual orientation or what? “Sexual preference? I don’t care if you like boys or you like girls. For me, as a person naman, I like boys. Support po ako riyan for whatever happens. Siyempre depende naman sa tao ‘yan, eh. Parang tayo, babalik tayo roon sa walang pakialamanan kung sasabihan niya ako ng panget. Sa akin, kung bakla o tomboy sila, eh ‘freedom of choice’ ‘yan, eh. Lahat naman tayo eh, sa ganu’n ay gusto mo, eh.”
Pero, ikaw nagkaka-crush ka rin sa kapwa mo babae? “Ako I really get to… ano ba ‘yung term? Ahhhh…. to appreciate.”
Pero kung nagkaka-crush ka, hindi mo ba naiisip na, ‘uy, tibo ako’? “Hindi, sir. Pero minsan, I was able to watch two girls making out. Mas gusto ko siya. Kaya ayun, ‘yun ang worry ko na ‘eto, porma ko, porma ba ito ng babae? Really, para ngang boyish ako. ‘Yun nga ang loko sa akin ng mama ko, eh. ‘O tama na ang isa sa pamilya, ha?! ‘Yung kapatid mo na lang. Ikaw ‘wag ka nang mag-across the borderline.’ Ako nga parang ang sexual preference ko eh, I look like a girl, I think gay and I work as a boy. Ang babae ko na lang siguro, eh ‘yung I like boys and I easily get hurt.”
Pero ako bilang writer, ayoko ring sabihin kung ano ang pananaw ko, kasi ang iniisip ko ay respect na lang. Kasi puwede kong sabihing tama ako, pero pansarili ko lang ‘yun. Pero, kung isa lang talaga, ang babae ay sa lalaki pa rin. “‘Yun nga, parang babalik tayo sa Bible.”
‘Wag na ‘yun. ‘Wag na lang sa Bible, mahirap talagang nag-eespadahan, eh. “Tama, especially ang mga students ko (professor kasi ng Radio Productions si DJ Chikki sa San Beda College, same college kung saan siya grumaduate). Ang tanong ko sa kanila, ‘may mga straight pa ba rito’?”
Minsan nakalilito talaga. Minsang nakasakay ako sa jeep, parehas may hitsura pero magkahawak ng kamay. Alam mo, naramdaman ko, nalalalaki ako, nanliliit ako. “Hahahahha! Nanghina kayo?”
Napakasayang kausap at very open si DJ Chikki. Ang hindi alam ng marami, animal lover din siya. “So, parang I am very close to animals, but not to butiki. Parang ‘yung alligator sa zoo, hahawakan ko pa ‘yun sa bunganga. But, not butiki. I love alligators.”
Samantalang ‘yung butiki maliit na alligator? Siguro, parang nakikiliti ka, parang ganon? O kaya, nabagsakan ka sa balikat? “This is a simple anecdote. Kumakain ako ng puto, ang sarap. Bakasyon ‘yun, high school or college ako? Ah, college! Naisip ko, binungkal ko siya kasi mahilig akong magbungkal ng pagkain. Parang me laman sa loob, may free toy, sosyal! Parang tsitsirya, ‘yun pala butiki! Butiki nga, naluto, nalaglag sa kisame noong nagluluto si Manang. Hahaha!”
Ah, parang ako, kumakain noon. Eh, biglang nagbrown-out, isinubo ko ‘yung kanin, pagkagat ko may gumagalaw. Pagkakita ko, butiki, gumagalaw. Kaya ipis, butiki, daga, takot ako. Hehehe! Nauwi ang lahat ng usapan namin sa butiki at ipis.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, email: [email protected].
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia