KAHIT OPENED on Black Saturday ang Moron 5 and The Crying Lady, kumita ito ng 65 million sa takilya. Bilang pasasalamat, nagkaroon ng Thanksgiving Party ang Viva Films/ MVP pictures para sa media. Nang dahil sa big success ng movie ni Direk Wenn Deramas, magkakaroon ito ng part 2. Same cast pero hindi sigurado kung kasama pa si John Lapus sa pelikula. Buong ningning na ibinalita ng box-office director na kinausap na siya ni Vic del Rosario para sa solo movie ng TV host/comedian.
Na-excite ang buong cast sa magandang balita ni Direk Wenn lalung-lalo na si DJ Durano na ini-enjoy ang pagiging comedian. “Yeah, mas masarap magpatawa. Kung saan ka nag-i-enjoy dapat doon ka at saka, du’n ka tanggap ng tao. I think, masaya ako ngayon kung nasaan ako sa industriya. Mas marami kaming magagawang katatawanan dito sa part 2 and I’m sure na mas hilarious ito, itotodo namin dito. Sabi ni Direk Wenn, maraming pagbabago sa buhay naming lima.”
To the max ang ipinakitang husay at galing niya sa larangan ng komedya. Napansin ang angking talino ng actor sa pelikula. Hindi siya nagpahuli kina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin at Martin Escudero pagdating sa mga eksenang katatawanan. Tuluy-tuloy na kaya ang pagsabak ng actor sa comedy? “I don’t mind. Kasi, nandito na rin naman at kilala ko ‘yung mga director na gumagawa ng comedy so, I think, paninindigan ko na ito, uso naman ‘yun ngayon. Gusto ko pang-mag-explore, marami pa akong gustong gawin, hindi pa natatapos dito. Marami pa akong gustong gawin, napagtatagumpayan naman unti-unti,” simpleng sagot niya.
Mas relax si DJ ngayon sa pagbibitiw ng nakatatawang linya compared sa past comedy films na nagawa na niya. Inamin ng actor na pinanonood niya ang mga comedy films nina Jim Carrey, Ben Stiller, Steve Martin, Eddie Murphy, Adam Sandler, Owen Wilson and Jack Black. Marami siyang nakukuhang styles sa pagpa-patawa. “Kailangan kasi, maganda ang baksak ng dialogue, pati timing, reaction mo, kailangang natural. Mas mahirap magpatawa, kailangang mahuli mo ang kiliti ng manonood para magustuhan ka nila and thanks sa buong cast dahil sa suportang ibinigay nila sa akin,” say ng versatile actor.
Kahit nalilinya ngayon si DJ sa comedy, gusto pa rin niyang gumawa ng drama film at TV series. Katunayan nga, may offer sa kanya to do Ninoy Aquino story. “I want to do ser-ious movie rin naman. Gusto ko rin namang makilala as a serious actor. May offer sa aking indie film na gawin ‘yung kay Ninoy noong nakulong siya sa Nueva Ecija na hindi ipinakita. Ipapakita sa movie kung ano ‘yung naging buhay niya at kung papaano siya tinortyur. Mahirap, kailangan kong mag-loose ng weight. Marami kasi ang nagsasabi na medyo may hawig raw ako kay Ninoy. Sana nga matuloy dahil magandang project ito at biggest break ko to as a serious actor.”
Hindi lang magaling na actor si DJ. Isa rin siyang mahusay na singer kaya lang mas binigyan niya ng priority ang pag-aartista. Nami-miss kaya niya ang pagkanta? “Nami-miss ko, kaya lang sabi nga nila, dadalhin ka ng agos kung saan ka talaga. Kahit anong pilit mong pumunta roon sa kahoy kapag inagos ka, kapag inanod ka sa kabilang bato doon ka pupunta, wala kang magagawa. Puwede pa rin akong kumanta, I can use it abroad. As of now, mas nag-i-enjoy ako sa acting. Acting is my passion, my love, masaya. Sana marating ko lang ‘yung point na marating ko ‘yung itaas na pinapa-ngarap ko. ‘Yung makaka-tulong na ako sa ibang tao. At saka, makakasingil na ako ng malaki. As of now, I can’t, you know, sana dumating ‘yung panahon na puwede ka na nilang bayaran ng mahal para lalo akong maraming matulungan,” makabuluhang wika ni DJ.
Plans ni DJ in the near future? “Makapag-put-up ng foundation, charity. I want to help other people na nangangailangan ng tulong. Maraming lumalapit sa akin, mahirap ang sitwasyon ko. Akala nila, marami na akong pera which is sapat lang dahil may anak ako. I want to help more, sabi ko nga kay Lord, sana gamitin ninyo ako sa tama para makatulong ako sa ibang tao. I think, this is my vehicle, for me to help other people. Eventually, hindi naman ibibigay sa ‘yo ng Diyos kung walang ibig sabihin. I’m still young, marami akong pinagkakautangan ng loob sa industriya lalo na ‘yung mga totoong kaibigan,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield