DJ Mo Twister has smaller brains?

LONDON – Hahaha! Kung maka-dateline London naman kami, parang biyahera o balikbayan ang dating namin. International correspondent lang ang peg. Juice ko, sa true lang, 2005 pa ‘yung huli na-ming biyahe sa LA at hindi na ‘to nasundan.

Hindi naman kasi kami mahilig sa lipad-lipad, dahil nga sobrang busy kaming tao. Until ‘eto na nga, ang Globe Telecom ay kinontak kami para makiusap sila na baka puwede kaming lumipad na sa July 15 para maging bahagi ng One Kapamilya Go sa London.

Siyempre, dahil kami’y taeng-tae na lumabas ng bansa, sinunggaban na namin. Nakakahiya naman ke Lord, me konting blessing at trip to London, hindi na kami choosy, ‘di ba? Saka hindi natin alam (knock-on-wood) kung kelan tayo kukunin ni Lord, tapos, hindi ko man lang na-enjoy ang life to the fullest.

Anyway, actually, hindi naman kami talaga bahagi ng show ng TFC. Sabit lang kami. Dahil ang bahala sa aming stay ay ang Globe. In fairness, ang Kapamilya Network ay super lakas sa London sa aming pagtatanung-tanong.

Pero lalo pang pinalalakas dahil pinabibisita roon ang mga Kapamilya stars. Nandu’n nga sina Erik Santos, Pooh, KC Concepcion, Yeng Constantino, John Lloyd Cruz…

Gusto naming maiyak, dahil mga 80 thousand people ang dumating kahit na balimbing ang weather. May dala-dala silang payong para lang makapanood ng libreng show.

Kaya nga sabi namin sa kanila, “Sana, lahat ng mga Pinoy na nandito, gayahin natin ang presyo ng mga bilihin dito sa London… magmahalan tayo!”

TAMA SI VICE Ganda. Kapag in-entertain mo ang mga negatibong tao, magiging negative ka na rin. Kaya deadma lang ang bakla sa mga paninira sa kanya. At ‘yun din naman ang sabi namin kay Vice, kami na lang ang magsasalita para sa kanya.

Ang sabi ni DJ Mo sa pa-bulol-bulol niyang Ingles eh, I got a small brain. Sabi ko naman, okay lang ‘yon. Basta ang importante, hindi kami ang may smaller at smallest brains. Alin kaya siya rito?

Saka si DJ Mo naman, me sariling isyu, ba’t ba ayaw niyang sagutin kung nagkabalikan na sila ni Rhian Ramos? Ba’t pilit niyang pi-nipigilan ang kanyang mga co-hosts na pakialaman ang lovelife niya?

Gano’n palang gusto niyang maging pribado ang lovelife niya, ba’t pakikialaman niya ang lovelife ng iba? ‘Di ba, ang weird?

Saka tandaan n’yo, hindi lahat ng Inglisero ay matatalino. Merong Inglisero, pero hindi pa tule.

Ehem-ehem.

NAKUHA LANG NAMIN ang info na ito mula sa isang may sinasabi sa advertising. Kaya raw hindi pinapasukan gaano ng mga commercials ang dalawang TV show ay dahil hindi raw feel ng mga nasa advert ang puro negatibo ang wine-welcome ng show.

Pati raw ang mga artistang endorsers ay binibira nila, so paano raw papasok ang mga produktong ine-endorse ng mga ito.

Sa lahat naman ng bagay at pagkakataon, me tinatawag na kompromiso, eh. Dapat, ang mga hosts eh tinutulungan ang kanilang istasyon kung paano itong pakikitain na hindi isinasakripisyo ang content ng show.

“Pero mayaman naman ang istasyon nila, eh. Baka hindi nila kailangan ang commercials.”

Kung type n’yo kaming sundan sa twitter, i-search lang ang @ogiediaz at sa aming blogsite na www.ogiediaz.blogspot.com at i-like ang aming FB fanpage na “The Ogie Diaz.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleAngeline Quinto shares first time experience in America
Next articleRuffa Gutierrez will fight for the custody of her daughters

No posts to display