NAPASYAL TAYO sa istasyon ng FM radio ng ABS-CBN. Nakahuntahan natin ang samahang MOR 101.9 For Life at isa na dito si DJ Popoy.
Pero bago pag-usapan ‘yan, may ibang mga nagtatanong sa ‘kin kung bakit ini-interview ko ‘yong mga tipong hindi naman dapat pa ay ini-interview ko. Ah, okey, bilang writer ay hindi ko na kailangang ipaliwanag sa mga subject for interview na kaya ko siya ini-interview ay dahil utos sa akin or sikat siyang subject or makatutulong ito sa aming pahayagan. Nais kong ipalam na sarili ko itong desisyon, ako ang pumili sa subject at sponsored ito ng publisher.
Bilang writer ng Pinoy Parazzi, wala akong sinasabing obligasyon sa mga iinterbyuhin. Para sa akin, ito ay upang malaman ko ang kanilang kuwento na siya ko namang piyesa. Kung tatanungin muli ako kung ano ang napapala ko ay wala, gusto ko lang magsulat. Ang sakaling magandang regalo nila sa akin ay kung magustuhan nila at dapat silang magpasalamat. Parang ganito, “Uiy! Bru..ho! Salamat nakita ko ang artikulo mo sa akin.” That’s it. Eh, kong anumang mga sasabihin pa sa akin ‘Eh, ‘di wow!’ Huwag na tayong pabebe wala tayong paki, hahaha! Nakikiuso lang.
Balik na tayo kay DJ Popoy. Siya lang naman ang radio anchor, kasama ni DJ Jasmin, sa number one drama program na “Dear MOR”. Kaya heto naman ang aking mga tanong.
How is it being number one ‘yung “Dear MOR” ninyo sa FM radio?
“Masaya po, kasi it is a program na paborito ng mga tao. So, I don’t think it has anything to do sa nagha-handle ng show. First, nando’n ‘yung feeling na nando’n ka sa MOR, ‘yun kasi ang gusto ng mga tao eh, na something new sa FM, na drama, tapos good feel na music, tapos ‘yung hindi masyadong…. Seryoso naman kami sa mga advise namin. Pero hindi siya ganon na ka-hardcore.”
Pero, medyo seryoso ka ‘pag nakikita kita, medyo nagpapatawa ka nang kaunti, pero mas seryoso ka. Bakit?
“Ah, kasi ‘yung mga problema ng tao seryoso. So, kailangan din ng seryosong sagot.”
Pati si DJ Jasmin seryoso siya eh, ‘yung kasama mo.
“Kaya from time to time you have to inject ‘yung comic relief. Hindi kapag sa AM ‘yan, iba.”
Sino ba talaga ang totoong DJ Popoy?
“Ah sa likod ng camera kasi ako, ‘yung pagiging DJ, lahat natutunan ko na lang.”
Ano natutunan mo na lang? Pero nag-apply ka?
“Hindi ako biglang alam na lahat, noong nag-apply pa ako, doon ako lalong natuto. So, ten years na akong nasa radyo po.”
Kung me nag-offer sa ‘yo sa showbiz o sa telebisyon, papayag ka?
“Siguro. Bakit hindi? Siguro, hindi ko na pag-iisipan kasi me family na ako, eh.”
Me histsura ka naman, eh!
“Bakit hindi? Si Sir Chief nga nakayanan niya, eh, bakit ako pa? P’wede, p’wede naman, eh.”
Kung dumating ang panahong iyon, sino ang gusto mong maka-love team.
“Kahit sino.”
Pero, ‘yung gustung-gusto mo. Sakali lang, sino?
“Sino ba? Si Cristina Gonzales! At saka iyong si ano… iyong sa “I can feel It”…si Alice Dixson.”
Bakit ‘yung medyo senior?
“Eh, mas gusto ko sila eh.. ‘Di ko naman sila kaedad, siguro ang mga kaedad ko katulad nina Jodi Sta. Maria, si Judy Ann Santos.”
Si ‘I can feel it’ pinanonood mo siya pero bata ka pa noon. Matanda yata siya sa ‘yo, ‘di ba? Sa bagay na-maintain nila ang kanilang beauty. So, ano pa sa ngayon ang mga plano mo?
“Ah, wala pa, sa ngayon eh. Aalagaan ko muna ang career ko rito sa MOR.”
Sa mga readers ko, maaari po tayong magkomento sa aking email: [email protected]; or send your text: 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia