MAY KARAPATANG ipagmalaki ni Direk Rosswil H Hilario ang pelikulang idinirek niyang Alimuom ng Kahapon at producer na si Julius Lumiqued dahil una ay nakapasa ito sa MTRCB without cut, na binigyan ng R-16.
Istorya ito ng dalawang nilalang na nagkakilala at nagmahalan pero in the end ay hindi rin nagpush-through ang pagmamahalan dahil sa magkaibang ipinaglalaban at adhikain sa buhay.
Bida sa Alimuom ng Kahapon na isang gay film sina DM Sevilla sa role na lifestyle photographer at Angelo Ilagan bilang isang aktibista.
Kapag sinabi na gay film ay aasahan mo ang sangkatutak na love scene ng dalawang lalaki, pero nagkamali kami dahil ‘di masagwa ang mga romansahang naganap sa movie. Malinis at hindi bastos kahit na may mga eksenang naglalampungan sina DM at Angelo na kapwa Star Magic talent.
Si DM ang lumabas na gay at isang silahis naman si Angelo na kapwa nagmahalan, pero in the end ay tinapos din ang kanilang relasyon dahil may dapat silang ayusin sa buhay.
Sayang nga lang at wala si DM at Angelo sa ginanap na sneak preview ng movie na ginanap sa NCCA sa Intramuros last Friday.
Si DM ang ka-batch nina Erich Gonzales at Jason Abalos sa Star Magic ng ABS-CBN at si Angelo naman ay may bagong serye na gagawin sa Dos na bawal pa raw sabihin ang title.
Si DM din ang sinasabing tinanggal or biglang nawala sa Star Magic dahil sa isyu na hanggang ngayon ay pinagtatalunan. Sana naitanong din namin si Angelo kung bakit pumayag siyang gumawa ng isang gay film?
Anyway, ipakikita sa movie na puwede rin daw mahalin nang parang tunay na babae ang isang gay ng isang lalaki. Na handang ipaglaban at mahalin habambuhay.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo