ANG BILIS ng panahon at ang lakas makatanda ng mga dati nating mga paboritong games, cartoon, animated movies o TV series. Pero alam mo ba kung gaano na rin sila katanda? Ito ang ilang impormasyon sa mga paborito natin noon, pero sigurado ang iba sa atin hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ito.
Natatandaan mo pa ba ang tatlong cute na super hero na gawa ni Professor Utonium mula sa sangkap na sugar, spice, and eveything nice, at aksidenteng nalagyan ng chemical X at sila ring tagapagligtas ng City of Townsville laban sa mga krimen at evil plans ni Mojo Jojo? Oo hindi ka nagkakamali, sila ang Powerpuff Girls na binubuo nina Blossom, Bubbles, at Buttercup. Sino ba ang makalilimot sa cute TV series at action na dala nila. Alam mo ba na ang last episode ng Powerpuff Girls ay inere noong April 2, 1986? Kay tagal na rin pala ang panahong lumipas.
Isa rin dito ang mga favorite nating mga batang spy, ang magkapatid na Spy Kids, sina Carmen Cortez at Juni Cortez. Noong 2001 pa ipinalabas ang movie na ito.
Sino rin ba ang makalilimot sa isa sa mga paborito nating laruin sa PlayStation 1, ang Crash Bandicoot na bawat racing ay intense at nakae-excite lalo na story mode na bawat character ay may maa-unlock tayo. Pero alam mo ba na ang game na ito ay inilabas noong 1923 pa? At ang mga batang 90s, hindi rin ito makalilimutan ito dahil isa nga naman ito sa mga magagandang games sa Play Station kasabay ng Tekken, at iba pa.
Patok din ang game na ito lalo na sa Nintendo Gameboy, ang Pokemon Blue at Red, ilan lamang ito sa mga pokemon games dahil marami ring version ang larong ito. Pero alam mo bang itong Pokemon Blue at Red ay mahigit 146 years nang out sa industriya? Grabe ganun katanda ang game na ito. Pero kahit ganun pa man, kahit matanda na ang game na ito, but it never gets old sa isa sa atin, dahil isa rin sa atin ay nalaro at nagustuhan ang game na ito.
Itong animated na movie na ito na ang lakas ding makatanda sa iba sa atin, pero kahit ganun pa man, minsan ay ating pinanonood pa rin, ang Toy Story 1. Ito ay isang American Computer Animated buddy-comedy adventure film na pinroduce ng Pixar noong 1995, at siya namang ipinalabas dito sa ating bansa noong May 1, 1996. Grabe, kay tagal na rin nitong movie, pero ating sinubaybayan ang kanyang sequel na Toy Story 2 at Toy Story 3, at nababalita na mukhang may paparating na pang-apat nito. Ating abangan ‘yan.
Isa rin ‘to sa mga favorite nating cartoons, si Spongebob Squarepants. Alam mo ba ang 1st TV series nito ay inere noong 1999 pa na hanggang ngayon, ang iba sa atin ay pinanonood at favorite pa rin ito dahil sa nakatutuwang episode nga naman nito kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Patrick the Star fish, Mr. Krabs, Sandy Cheeks, Squidward, at ang walang tigil sa pagkuha ng secret formula ng Krabby Patty na si Plankton.
Ito ang ilan sa mga palabas na medyo matanda na, pero nakaaaliw at nakami-miss pa ring panoorin.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo