MAITUTURING NA isang malaking ambag sa sining ng Pilipinas ang pagbibigay-parangal kay Doc Penpen dahil sa kanyang pagiging malikhain sa sining ng pagtula at sa kanyang mga pilosopiya. Ang kanyang kakaibang mga visual poetry ay nakarating sa iba’t ibang bansa at ito ay hinangaan ng maraming manunula kung kaya’t nakatakda siyang gawaran ng parangal sa World Poetry Peace Festival na may temang ‘Inspire, Achieve and Celebrate Peace’, bilang Father of Visual Poetry ng World Poetry Canada and International sa Vancouver, Canada sa darating na Mayo 25.
Ang event ay pangungunahan ng founder ng World Poetry Int’l at main host na si Ms. Ariadne Sawyer, World Peace Lauriat awardee. Pangungunahan din ito ng founder ng Writers International Network (W.I.N) in Canada, Ashouk Bhargava, a multi-awarded poet and World Poetry Ambassador to Nepal, India and Japan.
Bilang pagkilala at pagpapahalaga sa WPCI event, nakatakda rin siyang mainterbyu, kasama ang ilang mga selected guests and awardees sa World Poetry Cafe, ang radio program ng World Poetry Reading Series sa Vancouver.
Samantala, sa June 2 naman ay gagawaran din siya ng para-ngal kasabay ng pagproklama sa kanya bilang Father of Philippine Visual Poetry. Ang parangal ay sa imbitasyon nina Manny Calpito and Marvin Mangabat, founder and president of OTUSA.TV (Operation Tulong) sa Glendale California. Kaalinsabay ng event ay ang book pre-launching ng PENTASI B POETRY, na akda ni Doc Penpen. Dadaluhan ito ng may 64 na kasaping nasyon sa buong mundo.
Sa pagbiyahe ni Doc Penpen, baon nito ang isang inspirasyon na dulot ni Kuya Germs na na-ging tulong niya upang ipakalap ang kanyang kaalaman sa pag-likha ng isang uri ng tula, ang Visual Poetry.