HINDI naiuwi ng Filipino actress na si Dolly de Leon ang Best Supporting Actress trophy mula sa prestehiyosong Golden Globe Award para sa remarkable performance niya sa Triangle of Sadness.
Ang Hollywood actress kasi na si Angela Bassett ang tinanghal na Best Supporting Actress para sa pelikulang ‘Black Panther: Wakanda Forever.’ In fairness, matunog din talaga ang pangalan ni Angela for that category.
Ayon kay Dolly, “I am hoping na manalo tayo but if another actress wins, then she also deserves it.”
Bigon mang maiuwi ang international acting award, isang malaking karangalan pa rin ang maging kauna-unahang Filipino actres na mabigyan ng Golden Globe nomination.
Sa totoo lang, gumawa talaga ng kasaysayan si Dolly sa industriya ng Philippine showbiz dahil bukod sa nominasyon niya sa Golden Globe, kasama rin ang pangalan niya sa BAFTA longlist and Los Angeles Film Critics Awards Best Supporting Performer.
Ia pa sa inaabangan ngayon ng Pinoy fans ay kung makakapasok ang pangalan niya sa mga nominado sa Academ Awardss or Oscrars. Well, let’s pray for her.
Anyway, congratulations pa rin Dolly and we from the entertainment industry are truly proud of you.