TIGIL MUNA sa kampanya para sa Oscars ang Triangle of Sadness star na si Dolly de Leon. Nasa Pinas ang veteran actress para dito mag-spend ng Pasko at Bagong Taon.
“Naka-break muna ako, so yung director muna namin ang nangangampanya. Dito muna ako sa Pilipinas, dito ako magpa-Pasko, magnu-New Year, magtatrabaho nang kaunti.
“Magwo-work muna. And then, kung papalarin, babalik ako. Kung palarin… sana,” pahayag ng aktres.
Napansin ng mga film critics all over the world ang husay ni Dolly bilang aktres nang manalo ng pestehiyosong Palme d’Or sa 75th Cannes Film Festival sa ang Triangle of Sadness.
Kung papalarin siya ang magiging kauna-unahang Pinoy actress na magiging nominado sa Best Supporting Actress category ng Oscars 2023.
“First Filipino nga if ever, pero yung totoo, hindi pa natin alam kung magkakatotoo nga o mangyayari nga. Pero sana, sana, sana talaga.
“Sana talaga ay ma-nominate tayo. Kasi, kung ma-nominate tayo, napakalaking karangalan yon na makakapasok tayong mga Pinoy doon, for the first time! Sana, sana,” dasal pa ng actress.
Showing na ngayon ang Triangle of Sadness sa mga sinehan. The movie is directed by award-winning Swedish director na si Ruben Ostlund, and released and distributed by TBA Studios.