Dolphy, anghel na ngayon ni Vandolph

WALA NA si Tito Dolphy sa ating piling ngayon but his memory and legacy will always be remembered by his family, friends and fans.

Nagpaunlak kamakailan si Vandolph ng isang interview sa The Buzz at inamin niya na sobra niyang nami-miss ang kanyang ama. “I miss my dad so much. Iyong damit niya, minsan inaamoy ko. Alam naman ng dad ko kung gaano ko siya kamahal. Ever since I was a kid hanggang sa paglaki, baby ako noon, eh. Kaya medyo nagtago rin ako sa press.”

Dagdag pa niya, “[I will miss] him, the whole Dolphy. Everything about him, his laugh, his jokes, his love, everything. [I will miss] the way he tells me na ganito dapat porma mo… Malambing talaga ako sa tatay ko eh, para akong pusa. Wala na akong gaganu’nin. Mga anak ko na lang.” Nangungulila man siya sa kanyang ama but he finds assurance in knowing that Tito Dolphy is now happy in a much better place.

Nauunawaan natin ang sakit na nararamdaman ni Vandolph sa pagkawala ng kanyang ama dahil lumaki siya sa piling nito. Mula sa kanilang mga pelikula at television shows ay nasaksihan ng publiko ang labis na pagmamahal ni Tito Dolphy para kay Vandolph. At kahit sa mga matitinding pagsubok na dumating sa kanyang buhay ay laging nasa tabi ni Vandolph ang ama.

Tito Dolphy’s passing is a big blow on Vandolph kaya naman todo-suporta at alalay sa kanya ang mga kapatid. Sabi nga ni Epy, “I’m just a phone call away and I’ll be there for him. He knows that I always reassure him that I will be behind him. I will be the second father to his kids. We promised each other naman talaga that we will look after each other.” I’m sure Tito Dolphy is now smiling from heaven dahil panatag na siya that his family is okay.

Isang anghel kung ituring ngayon ni Vandolph ang kanyang ama. “Lagi ko na lang dinadasal na sana iyong tatay ko, bantayan niya ang mga anak ko. Ilayo niya sa kapahamakan. Huwag na ipaulit sa mga anak ko ang pinagdaanan ko lalo na when it comes to cars. Angel ko na siya ngayon, angel na namin siya. Sa lahat ng decision ko ngayon, I always think about my dad na kung ako si Dolphy ano ang gagawin ko?”

One of the lessons he learned from Tito Dolphy is to remain humble in spite of the applause. “Humility is the name of the game. Mahalin mo ang trabaho mo ngayon. Laging sinasabi sa akin ng tatay ko, ‘Always make people happy’ so ako ganoon ang gagawin ko talaga, pagpapatuloy ko ‘yung pagpapatawa.”

Magiging isang mabuting ama raw si Vandolph sa kanyang mga anak pero may pabiro siyang hirit. “Hindi ko na paabutin ng 18 ang anak ko, okay na ako sa apat. I’ll just give a good education to my son. Magandang schooling, na hindi ko rin natapos because of what happened to me.”

All the best, Vandolph.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleFans ni Vilma Santos, mas karespe-respeto kumpara sa fans ni Nora Aunor!
Next articleSa kasagsagan ng kalamidad, puro pagpo-promote ang inatupag
Marvin Agustin, walang paki sa mga biktima ng habagat?!

No posts to display