FOR ALMOST SEVEN decades, nagbabalik sa recording scene ang King of Comedy na si Dolphy. This time under PolyEast Records entitled Handog Ni Pidol: A Lifetime of Music and Laughter. Why all of a sudden biglang naisipan ng great actor/comedian na gumawa ng sarili niyang album? “Ewan ko, walang namang nag-approach sa akin noong time na nasa peak ako ng aking career. Hindi ko naman naisipang gumawa so, nakagawa rin finally,” sey ni Pidol.
Dekada ‘60, gumawa ng novelty album sina Dolphy and fellow comedian, the late Panchito Alba entitled The Best of Dolphy and Panchito.
Ang pagkakaiba ng recording noon at recording ngayon? “Well, ang recording noon kasama mo ang banda, ngayon hindi, ikaw na lang mag-isa. Kapag nagkamali ang orchestra noon pati ikaw bali, ulit kayo uli mula umpisa. Karamihan ng kanta noon ay adoptation.”
Aside kina Zsa Zsa Padilla at daughter ninyong si Zia, may gusto pa rin ba kayong maka-duet? “Depende, sila naman ang namimili na babagay sa kanta. Ako ganoon din, kung babagay, sasabihin ko. Pero kung ako ang pipili, gusto ko mga professional para nakatutulong sa pagbebenta ng plaka mo ‘yun. Plaka ako ng plaka… album pala, halatang-halatang luma!” Pakuwelang sabi ni Mang Dolphy.
What give you the inspiration to keep going? “Well, my family siyempre, semi-retire na ako, tumatanggap lang ako kung ano lang ang kaya ko.”
Say naman ni Zsa Zsa, “Next year may offer si Dolphy na mag-tour. Oo agad, sabi ba naman, why not? ‘Yun ang sagot… talaga naman. Marami pa siyang plano. He’s semi-retire, his very artistic and I know how he feels, like for an artist to be, you know. At his age, most of the time resting… Sabi ko, we will think about other ways na ‘yung creative mind, magagamit niya. Maybe in the near future, want to produce other film, kasi ako ‘yung co-producer niya sa RVQ Productions.”
Sambit naman ni Dolphy, “Siya si Mother Lily.” Sagot naman ni Zsa Zsa, “Kasi kapag nagagalit na ako, nagma-Mother Lily… joke lang! Mabait naman si Mother. Ikaw naman, baka hindi na tayo kunin.
Kasi nga very artistic si Dolphy, gusto niyang marami pang magawa, maraming matulungan. So, there are many ways to help other people and for you to find an outlet for your creativity. So, we’re thinking of doing best for next year. Hindi ba uso ang indie films, mag-indie tayo, kaunti lang ang budget, so’ yun asahan ninyo from Dolphy ‘yung mga konsepto niya.”
Sa nasabing album, Zia Quizon makes an impressive performance in her duet with father Dolphy entitled You’re Just In Love (I Wonder Why). I-lang album kaya ang contract ni Pidol sa PolyEast Records? Puwede pa rin kaya siyang mag-promote sa malls? “Wala naman kaming usapan, isang album lang. Puwede naman akong mag-promote basta may schedule, aayusin lang ang schedule.”
As a singer/actor, paano kaya inaalagaan ni Dolphy ang kanyang singing voice? “Ha! Ha! Ha! Ito nga inuubo-ubo na, hindi ko na inaalagaan. Actually, pagdating du’n, saka ko na lang tini-testing ang boses ko.
Alam naman ni Zsa Zsa, nagulat na lang ako… tuwing may taping kami noong nasa Dos pa ako, kapag may Special, may mga kantahan, panaka-nakang nababanat ‘yung boses ko,” turan ni Dolphy.
“Hindi siya gaano’ng nagpe-prepare kasi nagbo-vocalize lang siya sandali. The reason being… si Dolphy has perfect pitch kapag kinanta niya nasa tono. Walang effort sa kanya which is minsan pinagseselosan ko bilang singer. Kaunting vocalization lang ang kailangan niya,” paliwanag ni Zsa Zsa.
Highest peak of your career as a comedian? “When I was in Sampaguita Pictures the ‘Jack En Jill’ and then I make my own company RVQ Productions, that was my peak. ‘Yung 60’s and 70’s and the late 80’s we we’re you know, crucified that was before by the press. Ako naman, hindi mapagtanim.”
Comment ni Dolphy sa issue palaging ina-anticipate ng mga taong yumao na siya. “Yun na nga, ang daming pumapatay sa akin Bakit nag-aapura kayo, darating tayo d’yan. Madalas ‘yun, ilang taon na ‘yan? Minsan galing ako ng Hong Kong pauwi ako, nakalagay sa front page, ‘Dolphy Dead’. Pero kapag binuksan mo ang diyaryo on the next page, Dolphy, Dead or ALIVE.
Maraming beses na akong pinatay, tinatawanan ko na lang. Of course, nagwo-worry ako dahil ‘yung mga anak ko sa abroad nagtatawagan, nag-iiyakan na kung minsan, pero awa naman ng Diyos nandito pa ako,” kuwento niya.
Of course, alam naman nating si Manny Villar ang sinuportahan ni Dolphy noong last election. Hindi ba kayo nailang noong time na binigyan kayo ng award sa Malacañang ni President Noynoy Aquino? “Hindi naman, sabi ko nga sa interview, napakabait ng taong ito, binato ko siya ng bato, binato niya ako ng tinapay, hindi ba? Kaya kako, ibang klase…” papuring sabi ni Pidol.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield