MUKHANG HINDI NA matutuloy si Lovi Poe sa Panday Kids. Nakausap namin si Leo Dominguez, manager ng young actress, at sinabi nga nilang hindi nagkasundo sa klase ng role na dapat ay mapunta kay Lovi. Actually, marami nang tinatanggihan ang kampo ni Lovi dahil may iba silang mga plano.
Hinihintay na lang nila ang resulta ng pagpapalabas ng Sagrada Familia where Lovi gave a splendid performance. Baka nga naman mas maiba ang ihip ng hangin kung napanood na si Lovi doing more mature roles, lalo na sa pelikula.
Sa TV, okey na kay Lovi ‘yung exposures niya bilang isang singer at recording artist. Mas kilala naman siya sa parteng ito. Sa S.O.P. ay happy siya, lalo na’t bahagi na siya ng grupong Covergirls kung saan magkakasama ang young and talented actresses ng GMA-7, aside from Lovi, Heart Evangelista, Glaiza de Castro, Bianca King, at Carla Abellana.
ANG BOLD STUD na si Marco Morales ay “inaaswang” hanggang ngayon ng isang dating macho actor na natsitsmis na gay, at hanggang ngayon, hindi pa talaga hantad ang tunay nitang seksuwalidad. Wala namang problema kay Marco kung nakikipagkaibigan ito, pero ayon na rin sa mga kuwento ni Marco, halata ang pagkakaroon ng malisya ng pagbibigay ng sobrang atensiyon ng macho actor na ito sa nabanggit na bold stud.
Natatawa na lang si Marco dahil ang “style” ng macho actor ay bulok. Pero, bongga raw kung mag-send ito ng gifts noong una. Kaya lang, nang mahalata na ni Marco na iba ang intensiyon, tinatanggihan na niya ang mga regalo at alok nito.
Hindi pa rin nahihinto ang dagsa ng trabaho kay Marco sa ngayon. Ito ang pinagkakaabalahan niya kaysa mga bagay na puwedeng maglagay lang sa kanya sa alanganin. Ipalalabas na ang Halik sa Tubig, kung saan bongga ang role niya sa sex fantasy na ito na dinirek ni Bong Ramos. May nakatakda pa siyang gawin para rin sa nabanggit na direktor.
Uumpisahan na rin niya ang “Palabas ni Adonis” na ididirek ni Jay Altarejos. Kasabay nito ay ang tuluy-tuloy na workshops niya sa GMA-7 para lalo pa siyang mahasa for possible TV assignments.
HOW TRUE? NAKATAKDA na raw talagang pumirma sa GMA-7 si Dolphy. Kung hindi ito mapipigilan, aba, kapansin-pansin na pinababayaan na lang ng ABS-CBN ang mga malalaking artista nila na masungkit ng GMA. Una ay si Claudine Barretto, pangalawa ay ang institusyon nang si Dolphy.
Mahirap ngang mapaniwalaan ang report na natanggap namin. To think na malaki ang identification ni Dolphy sa Kapamilya network. Ang malaking teatro nito sa ABS compound ay ipinangalan pa sa King of Comedy. Bukod sa anuman ang mangyari, kahit nga hindi na masyadong nagtatrabaho ang komedyante para sa network ay naroroon palagi ang espesyal na partisipasyon nito sa ilang natatanging proyekto ng Dos.
Kung totoo man ito, nakapanghihinayang. O talaga lang gusto munang makaranas ng ibang klaseng working atmosphere ang King of Comedy. We’re very sure, walang personalan ito dahil nasa estado na ng komedyante ang mag-call ng shots o lumipat sa kung saan network na mas maganda ang offer sa kanya.
Calm Ever
Archie de Calma