NGAYONG PUMANAW na si Mang Dolphy, isang tanong ang nakaukit sa mga ‘di nakaaalam.
Ano ang koneksyon ni Willie Revillame sa kanya? Bakit pinasasalamatan siya ng ilan sa immediate family ng komedyante? Malaki… malaking-malaki!
Lingid sa kaalaman ng marami, isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabing hindi tinigilan ng oft misunderstood na comedian/host/part-time singer na si Willie ang pamunuan ng TV5, hangga’t hindi nabibigyan nang sapat na tulong medikal ang ailing King of Comedy. Ang pagsusumamong ito, ayon sa aming nakausap, ay bukod pa sa kanyang kontribusyong pinansiyal.
Ayon sa aming taddy (tsismosang tadpole), sinabi raw ni Willie na isang national treasure si Mang Dolphy na kailangang suportahan. Dugtong pa raw nito, dapat daw ipakita ng Singko kung paano ito mag-alaga ng kanyang talents.
Maaaring maraming magtataka kung bakit unang-una ay ganu’n na lang ang simpatiya ng host ng Wil Time Bigtime! kay Mang Dolphy. At nu’ng 24/7 na nga ang pangangalaga sa kanya sa halos isang buwang pananatili nito sa Makati Medical, (kung saan diumano’y major stock holder daw si Manny Pangilinan), marami ang bumilib sa lakas ni Willie sa management ng Kapatid Network para ito ay dinggin diumano.
Hindi man ito blood related sa mga Quizon, tinatanaw ni Willie ang kanyang humble beginnings simula sa “Loveli-Ness” ng dating ka-live in ni Mang Dolphy na si Alma Moreno hanggang sa naging sumunod nitong reformats.
Nu’ng mga panahon na ‘yon ay dakilang alalay ang naging peg ni Willie, pero kinilala ng mga tao ng RVQ at Rodessa ang galing nito sa drums kaya’t nabigyan siya ng bigger break sa musical countdown portion ng yumaong si Francis Magalona bilang countdown drummer nga.
Kahit marami ang naiinis at nakukulitan noon kay Willie dahil nature nga niya ‘yon, at kahit marami ang halos iwasan nga siya dala nang pagiging hyper-to-the-point-of-irritating nito, siya pa, of all people, ang magiging isa sa mga major force para makapagbigay-tulong sa yumaong 83 year old na komedyante. Tiniyak niya talagang mabibigyan nang sapat na pangangalaga ang idolo sa komedya ng bayan.
And yes, malakas talaga si Willie dahil sa ayaw man at sa gusto ninyo, flagship program ng Kapatid Network ang kanyang game show! What Kris Aquino is to Channel 2, Willie Revillame is to Channel 5!
SAYANG AT hindi natupad ang diumano’y wish daw ng Hari ng Komedya.
Ayon sa ating taddy (tsismosang tadpole), nu’ng nagkaulirat na raw siya at nagri-respond na lightly to medical treatment nu’ng mga third week ng kanyang recent confinement, animo’y isinisenyas daw nito through hand movement na gusto na raw nitong umuwi.
Kaya’t ayon sa mga malalapit sa yumaong actor, pinalalakas daw nila ito diumano para nga raw mailabas na mula ICU at in the long run ay mapayagang sa bahay na magpatuloy ng recovery.
Marami ang umasang makapagse-celebrate pa ito ng kanyang 84th birthday.
But God has other plans for Mang Dolphy! Magkasama na muli ang mag-asawang Puruntong (him with Nida Blanca), kasama ang kanyang pamosong biyenan na si Donya Delilah (Dely Atay-Atayan).
Ngayon, masayang-masaya ang Kalangitan, dahil kumpleto na muli ang Krazy Corporation, ang nakatatawang ka-comedy group niya, kasama ang mga yumaong Teroy de Guzman, Panchito Alba, Bayani Casimiro.
Sa harap ng ating Tagapaglikha, sampu ng kanyang mga angel at mga santo, nagpi-perform muli sila para ipagbunyi ang pagsasama-sama nilang muli ni Mang Dolphy!
[imagebrowser id=92]
REST IN peace, Mang Dolphy! Isang karangalan ang gawin ko ang iskrip ng inyong last VTR footage pagkarating ko galing Amerika, kung saan buong ningning ninyong inanunsiyong, pilit kayong dinadale ng pneumonia pero pilit din kayong nagpapalakas. Kung saan buong tuwa ninyong ikinagalak ang pagbigkas ng linyang “Hindi po ako double!”
Dahil sa totoo lang, Mang Dolphy, wala kang katulad, wala kang kaparis. God Bless you!
Follow me on Twitter@montitirasol; and every 3pm daily, watch www.ustream.tv/channel/vibes-tayo
Titipa-Tipa
By Monti Tirasol