ANG TELEBISYON ngayon ay nakatutok lang sa isang pinakapinag-uusapang “paksa” ng bayan – ang pagpanaw ng Hari ng Komedya, Dolphy.
Ba’t nga ba gano’n, ‘no? Ewan ko kung kami lang ang me ganitong feeling. Hindi naman namin kaanu-ano si Tito Dolphy, pero parang ang lungkot-lungkot namin.
Maging ang ibang ordinar-yong tao, ang lungkot-lungkot din.
Kung babasahin namin ang ganitong malungkot na feeling eh, dahil naging bahagi na ng pang-araw-araw nating buhay si Tito Dolphy. Na ‘pag binanggit mong Dolphy, alam mong nakakatawa at nagpapatawa na kahit puno ka pa ng problema, me ngiti agad sa labi mo once marinig mo lang ang pangalan niya.
Nakita na namin ang mga labi ni Tito Dolphy sa Dolphy Theater ng ABS-CBN at noon lang namin natanggap na wala na nga’t iniwan na tayo ng Comedy King.
Noon din namin na-realize kung gaano ka-well-loved ng industriya at ng taumbayan si Tito Dolphy. Para siyang isang bayani kung ituring ng bawat Pilipino.
Ganyan yata talaga ‘pag may mabuting binhi na itinanim. Nagbunga ng napakaraming taong nagmamahal.
NAKALULUNGKOT LANG na may ilang kababayan na natuwa pa sa pagpanaw ng komedyante. Sila ‘yung mga isinusumbong sa amin ng mga followers sa twitter na napa-kasalbahe raw, dahil habang lumuluha ang bayan ay sila naman ‘tong ang saya-saya.
Meron kaming feeling na gusto lang nilang mag-gain ng followers sa facebook at sa twitter, kaya pati ‘yung nama-yapa na ay ginagamit pa para sa sarili nilang interes at para lang magpapansin.
Nabuwisit kami sa mga ito nu’ng una, pero at the end of the day, ‘pag nagpaapekto ka naman sa mga hayup na ito’y mas mararamdaman nilang sila ang panalo, dahil ‘yun naman talaga ang kanilang purpose – ang inisin ka.
Ipagdasal na lang ang mga ganitong klaseng tao na sana’y mabuksan ang isip nila, dahil ang karma ay nandiyan lang sa tabi-tabi.
HINDI NAMAN namin kinaya ang sikat na loveteam sa YouTube, pero hindi naman naituloy sa telebisyon, ang magdyowang Jamich at meron ding 400k plus followers sa twitter.
Nu’ng namatay si Tito Dolphy nu’ng July 11, nag-tweet sila ng, “Kasabay ng monthsary namin ang pagpanaw ni Dolphy!”
Pinutakti sila ng mga tweets na, “Ano’ng pakialam namin sa monthsary n’yo? Napaka-insensitive n’yo naman!”
Meron pang nagtu-tweet ng #RIPJamich, dahil mamamatay na rin daw ang samahang ito, dahil sa pagku-kumpara ng monthsary nila sa pagyao ni Tito Dolphy.
Alam naming hindi intensiyon ng mga kabataang ito ang “magpapansin” sa gitna ng pa-ngungulila ng mga Pinoy kay Tito Dolphy. Pero meron ngang kasabihang “think before you click”.
Parang ang dating tuloy, “Ano, kasalanan ni Tito Dolphy kumbakit hindi ngayon nakatutok ang mga followers n’yo sa monthsary n’yo?”
Meron pang nag-tweet na, “Sino naman kayo para maapektuhan kami sa monthsary n’yo?”
Hay, nako… kung iisa-isahin pa namin ang mga okray tweets sa magdyowang ito, baka bigla nilang i-delete ang kanilang twitter account.
Kaya next time, be sensitive, Jamich, ha?
Baka mas magkaroon ng dating ‘yang loveteam n’yo kung sisikat ‘yan on national TV at hindi hanggang YouTube lang.
Oh My G!
by Ogie Diaz