KUNG HINDI kami nagkakamali, this week nagpaplano ang pamilya ng namayapang King of Comedy na si Dolphy laban sa kampo ng kaibigan nitong si incumbent Manila Mayor Alfredo Lim.
Oo nga’t magkaibigan ang dalawa (Mang Dolphy at Mayor Lim); gamit pa rin sa pa-ngangampanya ang voice tape endorsement ng Hari ng Komedya ng kampo ni Lim at palagi itong pini-play sa isang AM Station, gayong ang voice endorsement na ‘yun was made noong nakaraang eleksyon pa at buhay pa si Mang Dolphy.
From an insider, napag-alaman namin na masama ang loob ng pamilya Qiuzon sa ginagawang pangangalakal ng kampo ni Mayor Lim sa naturang voice tape endorsement sa kanya, gayong dapat man lang sana ay mag-paalam ito sa pamilyang iniwanan ng Hari ng Komedya por respeto.
Sa ganang amin, out of respect, hindi na sana ginagamit ng kampo ni Lim ang naturang recorder propaganda na inindendoro siya ng kaibigan niyang si Mang Dolphy gayong namayapa na ito.
Sabi nga isang kakilala namin, huwag na raw gamitin ni Lim at ikalakal ang “friendship” nila ni Dolphy gayong gamit na gamit na ito sa simula pa lang ng kampanya last election.
Linawin ko lang. Taga-Quezon City ako at walang tangkang tumira sa Manila, kaya don’t get the impression na maka-Erap kami kaya sinusulat namin ito para bakbakin si Mayor Lim.
But between Erap at Lim, doon na kami kay Dirty Harry, kaysa sa isang lumang pulitiko na ayaw pang mamahinga sa pulitika at i-enjoy na lang kanyang retirement with his apos.
BONGGA ANG mga sexy hunks natin ngayon at they don’t have any qualms of doing naked sa kanilang mga eksena sa pelikula.
With the trend na halos tanggap na ng mainstream moviegoers ang tema ng indie films (‘yong legitimate at hindi nagkukunwaring legit); mas aggressive at radical ang legitimate stars natin sa kasalukuyan na nagtatangkang pasukin ang indie film industry.
Si Jake Cuenca, may frontal nudity sa bagong pelikula niya with Joem Bascon (may love scene din sila) under Joel Lamangan that deals about gay relationship within the Communist Party of The Philippines-New People’s Army (na isang mala-king issue na pinag-uusapan at tinatalakay pa rin magpasa-hanggang ngayon sa loob ng partido).
Ang disenteng singer-turned-actor na si Markki Stroem ay naghubad na rin sa kanyang pelikula na pang Cinemalaya sa darating na Hulyo under the direksyon of our friend Cesar Evangelista.
The rest of the callboys from those cheap gaybars na nagiging instant “indie film stars” sa pangarap na maging legit, well, forget it!
BUKAS, APRIL 16, birthday ng goodfriend namin na si Jobert Sucaldito.
Marami na kaming pinagdaanan ni “Jobertita”. From our life in Iloilo to Tomas Morato (wala pa ang mga malalaking resto na ‘yan at madilim pa ang kalye sa area ng ngayon ay nakatayo ang Imperial Palace at Rembrandt Hotel to Tanauan, Batangas) we’ve gone a long long way.
Thanks for the friendship kahit hindi tayo regular na nagkikita, I wish you good health and well.
Tomorrow, may pa-birthday concert si Jobert sa Zirkoh-Morato featuring his talents like Prima Diva Billy and Michael Pangilinan (na ila-launch ang album ng baguhang singer).
Reyted K
By RK VillaCorta