Dolphy, patuloy pa ring lumalaban!

HAPPY FATHER’S Day sa lahat ng magigiting at dakilang ama! Akala ng iba, pinakamahirap maging ina. Pero mahirap din yatang maging ama. At hindi dapat nagkukumparahan, dahil pareho namang mahirap na trabaho ‘yon.

24/7 kang empleyado sa bahay. Walang suweldo, walang day-off. At hindi ka puwedeng mag-absent. Lalong hindi ka puwedeng mag-resign, dahil habambuhay ang trabahong ‘yan. Habang ikaw ay nabubuhay.

Kahapon nga ay natuwa kami. Kasi, ang dami-daming nagtu-tweet sa amin. Binabati kami ng kung anu-anong salita na ang bottomline ay gusto nila kaming batiin ng “Happy Father’s Day!”

Maraming salamat sa lahat ng nakaalala. Kasabay niyan ang labis naming katuwaan.

Dahil mas maraming bumati sa amin nu’ng Father’s Day kesa Mother’s Day.

NASA ICU si Tito Dolphy. Ang larawang ipinost ni Ms. Zsa Zsa Padilla sa kanyang instagram account kung saan mga words of encouragement at pagbati sa Father’s Day na nasa labas ng ICU ang siyang patunay na lumalaban si Tito Dolphy para ma-extend ang kanyang buhay.

Ilang tweets na ng mga followers namin sa twitter ang nagtatanong kung kumusta na si Tito Dolphy. ‘Yung iba’y walang habas sa pagtatanong kung totoong patay na ang komedyante.

Nakikipagpambuno pa nga si Tito Dolphy, ‘yung iba naman, tumatalon agad sa ending.

Ba’t hindi natin sama-samang ipagdasal si Tito Dolphy na maka-recover?

At ibilin natin sa Panginoon na sana, kung ano ang makakaigi sa lagay ni Tito Dolphy, ‘yun ang mangyari.

BLIND ITEM: Hindi na namin babanggitin pa kung ASAP 2012 o Party Pilipinas ang pinanonood namin nang mapansin naming ‘yung isang singer ay parang ang lakas ng tama habang umaawit.

Hindi naman kami addict, pero naipagtanong na rin namin kung ano’ng itsura ng isang kung hindi man addict ay gumagamit lang. Ang pungay ng mga mata ng isang singer.

Medyo nababawasan na ang kinang ng boses nito, dahil siguro sa kahihithit ng cocaine. Iniistaylan na lang ang pag-awit. Naisip niya siguro, tutal, sanay na naman ang mga tao sa kalikutan niya sa entablado.

Pero hanggang kelan siya gano’n sa stage?

Tingnan mo nga naman ‘yan, ‘no? ‘Yung ibang wala namang maipagmamalaking boses, hindi naman gumagamit. Siya, feeling niya, ‘yun ngayon ang uso. Titira muna bago umawit.

Hay, nako… pasensiya na kayo at hindi namin masasabi ang gender sa inyo ng tinutukoy naming singer. Basta hindi bading, hindi rin tomboy.

Hanggang du’n na lang.

HINDI NA kami nagpapaapekto pa kung na-evict man ang bet naming si Tom ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4, dahil lahat naman ng mga housemates, kailangang lumabas at kahit ang Big Winner, lalabas din.

Wala namang pumapermanente sa bahay ni Kuya, eh.

Ang totoong labanan naman diyan ay ‘pag nasa outside world ka na, eh. Kung paano mong ia-apply sa tunay na buhay ang mga natutunan mo sa loob ng bahay ni Kuya.

At kung may nakaantabay bang career sa mga batang ‘yan pagkatapos ng PBB Teens.

Sa ngayon, ang na-accomplish ng PBB Teens ay ‘yung ginagamit na ito bilang pamalit sa humaharot, umaarte, lumalandi at kumikiri-kiri.

Por eksampol: “Juice ko, ‘Day, ha? Nahalata kita kanina while talking to that guy, ha? Pumi-PBB Teens ka diyan!”

O, kaya, “PBB Teens lang ang peg mo, ‘teh?”

Hahahaha!

Nu’ng mga nakaraang PBB Teens, hindi naman nagagamit ‘yang salitang ‘yan. Pero ngayon, iba na talaga ang mga kabataan. I mean ‘yung ibang kabataan. Kaaarte, kalalandi, kahaharot at kakikiri.

Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleJason Francisco, walang panahon para magseryoso sa pag-ibig
Next articleArnell Ignacio, kapalit ni Heart Evangelista sa puso ni Daniel Matsunaga?!

No posts to display