TULOY NA tuloy na bukas, Miyerkules, September 19, 2012, 7 PM, ang ‘Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy’ na dapat ay gaganapin sana noong August 31, pero na-postpone ito dahil sa pagsailalim ni Zsa Zsa Padilla sa tumor surgery.
Kuwento pa ni Eric Quizon amin, “We decided to delay kasi nga the family decided to wait for Zsa Zsa. Kasi noong time na ‘yun, ‘yung date na ‘yun ay ooperahan si Zsa Zsa.
“Supposedly, gagawin namin ‘yung tribute. That’s why we decided to delay it and mabuti na lang din the networks are decided to wait for her also. I think it was a general consensus eh, na parang napag-isipan na parang it will be incomplete without Zsa Zsa, and mabuti na lang din at naging mabuti ang naging resulta ng surgery ni Zsa Zsa and benign nga rin ‘yung kanyang tumor, so which is all good. So it’s going to the right direction.”
Ang musical tribute para sa The King of Comedy ay isang pambihirang pagkakataon para sa Philippine television industry dahil ito ang kanuna-unahang pangyayari na magsasama ang tatlong malalaking istasyon sa bansa para sa pagpapalabas ng isang show nang sabay-sabay. Kaya naman ang tagline ng tribute ay, ‘Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Sama-samang Magbibigay Saya’. “Ah yeah, wala lang naisip lang namin, this all happened during his wake, and his burial, when all the three networks – TV5, GMA-7 and ABS-CBN-2, were all united, kumbaga naging maayos siya, hindi naging magulo.
“Parang it dawned to me to come up with a tribute. Na sabi ko nga, I don’t wanna give it to a single network, kasi maybe because my dad is adored and loved by everyone and he really is people person, eh. Kumbaga, parang isa siyang simbolo ng industriya, kaya naisip ko rin na pagsama-samahin ang tatlong networks and lahat naman nag- cooperate.”
Ano kaya ang maasahan at mapapanood ng mga tao sa gabi ng concert? “Ang makikita natin dito ay lahat somehow, may koneksiyon sa daddy ko, ‘yung mga paborito niyang kanta, maraming mga clips from his movies, ‘yung mga nagsasayaw siya, marami kaming mga nakitang mga materyal na nakikita natin siyang nagsasayaw.
“Maraming dance numbers dahil alam naman nating may dad is a dancer. And then of course, kumbaga ‘yung buhay na dinaanan niya through the years makikita natin dito in a form of a tribute.
“It’s a first and ang maganda lang dito nagkakaisa ang lahat ang networks, all for good cause, all for Dolphy.”
Ngayon pa lang ay inaantabayanan na ng mamamayan ang pagdating ng mga pinakamalaking artista sa bansa mula sa tatlong istasyon. Kumpirmado nang dadalo sa pagtitipon ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, at ang Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos.
Dugtong pa ni Eric, “Maraming mga nag-confirm, Martin Nievera, Gary Valenciano, Vic Sotto, Ogie Alcasid, Michael V, Comedy Queen Ai-Ai delas Alas, Megastar Sharon Cuneta, Diamond Star Maricel Soriano, Grand Slam Queen Lorna Tolentin, Joey de Leon, madami.”
Masaya naman si Eric dahil lahat ng magpi-perform ay libre. Aniya, “They’re all doing it for free. All for the love of my dad, so ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa lahat, sa kanilang lahat.”
Paano naman kaya makakapanood ang mga tao sa concert? May entrance fee ba? “Ang mangyayari, originally ang plano talaga was for free, ayaw lang kasi of course itong tribute na ito ay hindi lang ito, in cooperation with the 3 networks, SM Arena is giving this to us for free.”
“Ang gusto lang kasi ng Arena maging orderly, so ‘yung tickets is in a form of donation, minimum donation of a P150 makakapanood sila ng concert. Ganu’n siya kababa para ka lang nanood ng sine and makikita mo lahat ‘yung mga paborito niyong artista.
“Merong way of ordering tickets, on-line, sa lahat ng mga SM Cinemas, they can buy the tickets, during the concert itself, they’re gonna selling tickets outside. Pero ‘yun na nga ‘yung sinasabi ko in a form of donation, ‘yung P150 nila nakatulong na sila, makakapanood pa sila ng concert.
“Pati ‘yung SM Cinemas, they’re going to show my dads’ movies, ‘yung pinakahuling pelikula niya, ‘yung ‘Father Jejemon’ at tsaka yung ‘Nobody, Nobody But Juan’ ipalalabas sa selected SM Cinemas all over the Philippines.”
Ang mga malilikom na pondo sa musical ay mapupunta sa ‘Friends of Hope, Eye Bank, Red Cross, at sa Dolphy Aid para sa Pinoy Foundation.
Sure na ‘to
By Arniel Serato