MAY NAPIPINTO BANG major revamp sa radio station na Energy FM? O, isang mass resignation ng staff at radio jocks ang magaganap sa darating na mga araw? From a source, nagka- ‘clash’ daw ngayon ang mga empleyado at management ng istasyon dahil sa hindi tamang pamamalakad ng ‘big boss’ nila. Lalung-lalo na raw sa usapin ng talent fee ng radio jocks dito. Malakas naman daw ang pasok ng advertisements sa istasyon, kaya ang ipinagtataka nila, ay kung bakit kailangang ‘tabasan’ pa ang talent fee ng mga radio jocks?
Kung regular listener kayo ng Energy FM, malamang na napansin n’yo ang ilang pagkakataon na ‘absent’ ang sinusubaybayan n’yong DJ. Ayon pa rin sa source, may kinalaman ‘yon sa discontentment ng mga ito sa mga desisyon lately ng management.
Hmmm… ‘yon din kaya ang dahilan kung bakit namaalam si Mr. Fu sa Energy FM para sa fast-rising radio station na Wow FM?
SABI, LAST MOVIE na raw ni Mang Dolphy ang recent filmfest entry niya na Father Jejemon. Napanood namin ang movie. It’s hard to say na wala na ang magic ng Comedy King, idolo namin ‘yan. Hindi namin pinagsasawaang panoorin ang old flicks ni Mang Dolphy. Nu’ng isang araw lang, hagalpak pa rin kami sa katatawa sa Darna Kuno. Ibang-iba ang brand ng kanyang comedy. Timeless, ‘ika nga.
Pero Father Jejemon made us think and wish na sana ay mabigyan ng mas magandang project si Mang Dolphy. Hindi comedy kundi isang serious drama before siya mag-retire sa pag-arte. He was really good sa Rosario. Sana nga ay mas mahaba pa ang exposure niya sa naturang pelikula.
Ito’y isang simple wish lang naman mula sa isang fan ng Comedy King.
THE GOOD NEWS is Charice Pempengco ranks #9 sa Entertainment Weekly article na ‘11 to Watch in 2011’. Our Pinay is really making big waves sa international scene. Hindi na natin iisa-isahin ang recent achievements ni Charice here and abroad.
The bad news is, ‘yung mga ‘Kanong nakapaligid sa young singer wants everyone to treat her like ‘Hollywood’. Kahit na nandito siya sa ‘Pinas. Sa recent event sa Mall of Asia, kung saan ka-back-to-back niya si Gary V., hindi raw talaga nakalapit kay Charice ang local press and photographers. Tinabig pa raw ng isang ‘Kano ang isang photographer na gustong makunan ang batang singer. Kaya ang ending: ang nanay na lang ni Charice ang nainterbyu ng local press.
Ano nga uli ‘yung kasabihang Pinoy na ‘ang hindi lumingon sa pinanggalingan…’?
Bore Me
by Erik Borromeo