OLA CHIKKA! MARAMI ang natawa sa gimik na ginawa nitong si Kris Aquino para sa kanyang Metro Manila Film Festival movie entry para sa taong ito. Dahil maging ang kanyang asawang si James Yap ay ginamit pa upang pag-usapan ang pelikula, ngunit hindi naman nag-click hindi ba?!
Uubra ba ang horror film niya sa pelikulang pinaghaharian ng dalawang bida sa MMFF na sina Vic Sotto at Bong Revilla?! Dagdagan mo pa ng komedyanang si Ai-Ai delas Alas at tingnan na lamang natin kung uubra pa ang kanyang pelikula?!
Kung sa bagay, hindi naman sila parehas ng linya dahil ang tatlo ay sa comedy habang ang kay Kris ay horror. Let’s see na lang kung uubra ang kanyang karisma pagda-ting sa mga ganitong film festival!
MABUTI NGA AT nakikitang papa-ngatlo pa itong pelikula ni Tetay hindi katulad ng sa Comedy King na si Dolphy. Uubra kaya ang kanyang titulo ngayong makakasabayan niya ang dalawang hari ng MMFF?! May mga nagsasabi kasing hindi papatok ang kanyang entry lalo na ngayon at may kumukondena sa isang eksena roon, kung saan ay maging ang mga sagradong bagay ay ginawang katatawanan.
May eksena roon, kung saan ginamit pa ang pangungumunyon at ginawang katatawanan. Nahulog ang ostya at muli pa itong pinulot saka isinubo. Para sa nakararami, marami namang eksenang p’wedeng gawan ng katatawanan, ngunit bakit pati ang pag-communion ay hindi pa pinalagpas?
Bakit kapag malaswang eksena ang nasa pelikula, buhay na buhay ang MTRCB sa paninita ngunit bakit kapag sa ganitong sitwasyon, kung saan ang mga sagradong bagay ay mukhang nakalalagpas lang? Sabihin na nating walang personalan at para sa katatawanan lamang ang mga iyon, ngunit hindi pa rin tama na ang mga sagradong bagay tulad ng communion ay ginagawang katatawanan? Kung maghihigpit na lamang, sana ay sa pangkahalatang aspeto na hindi lamang nakatutok sa mga malalaswang eksena. Hindi ba?
GOING BACK SA usapang MMFF, kung sakali mag-number 1 ang pelikula nila Vic at Bong na Si Agimat at si Enteng Kabisote at bumagsak sa takilya ang Father Jejemon? Ibig sabihin ba nito ay matatanggalan na ng titulo si Dolphy bilang Comedy King, gayung nasa iisang linya lamang ang kanilang pelikula? Hmmm… Nagtatanong lamang.
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong napakaguwapong hunk actor na kamakailan lamang ay naispatan sa Eastwood.
What’s wrong naman kung makakita ka ng guwapong nilalang sa isang mall, hindi ba? Ngunit ang ikinagulat ng marami ay ng makita nilang HHWW as in holding hands while walking sa isang babae sa fourth level ng nasabing mall.
Ang mas nagpalala pa ng sitwasyon, hindi naman kaseksihan ang girlet at may kasama pang bagets! Tama! Mukhang happy family ang drama ng tatlo na sobrang sweet at masaya na namamasyal.
Ano naman kaya ang nakita nitong guwapong actor at nalagay siya sa ganoong sitwasyon? Hindi pang-display ang girlet dahil mashuba, mukhang may sabit pa dahil may kasamang bata at hindi rin naman maaa-ring sa pera dahil kumikita ng pera itong guwapong actor. Hmmm… Baka nga naman isa lang ang dahilan. TL as in True Love! Malay mo, ‘di ba?
Sino kaya itong guwapong actor na willing maging stepfather sa anak ng hindi kagandahan at mashubang non-showbiz girl? Hmmm… hindi kaya naaliw siyang masyado sa ganu’ng figure na minsan na niyang naging role?! Ha-ha-ha! Oh, ayan ha, given na!
‘Wag n’yong sabihing hindi n’yo pa rin gets, ha?! Kung ganu’n ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:00 NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding