PAWANG MAGAGANDANG film reviews ang nakukuha ng Ang Nawawala (What Isn’t There), sa ongoing na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2012 na ginaganap sa CCP, Trinoma, and Greenbelt 3 cinemas (until July 29).
First lead role ito sa pelikula ni Dominic Roco, anak ni Bembol Roco, first film din ng TV commercial and music video director na si Marie Jamora.
Pinakamasaya rito siyempre ang pangunahing aktor ng pelikula, si Dominic, na nagpakita ng subtle yet effective performance sa Ang Nawawala.
Kasama rin sa cast sina Dawn Zulueta, Boboy Garrovillo, Marc Abaya, Annicka Dolonius, at ang kakambal niyang si Felix Roco.
Kuwento ni Dominic, first time nilang magkasama sa isang pelikula ng kakambal niyang si Felix noon sa isang episode ng Shake Rattle and Roll, a few years back.
Ngayon nga lang naulit ang pagsasama nila ni Felix in one film. “Everytime I work with ‘Lix (tawag niya sa kakambal) naman eh, is an exciting experience for me. Everytime I work with him, I love it!”
‘Di ba mahirap na makatrabaho in one film ang kapatid niya in person? “No, for me, it’s easier, kasi, I don’t have to double the effort ‘coz he’s my brother, so I’m just treating him as it is.
“I can also relate to Gibson (character niya sa film) in some ways. Tahimik ako, ‘di ako masyadong masalita. Noong una, I thought it would be easy, coz I thought, ‘Wow! I’m doing a movie na hindi ako magsasalita!’ For me, I thought it was easy. For me, this is the most challenging role I’ve ever done sa buong career ko.”
MEANWHILE, MATATANDAANG na-link rin si Dominic romantically kay Maxene Magalona. Nasulat din na nagde-date sila.
Sa pag-arte niya sa TV and film, humuhugot rin ba siya ng inspirasyon sa naging samahan nila ni Maxene? “That’s so last year, huh!” tawa ni Dominic.
Tanong namin, for the record, hindi na ba “sila” ni Maxene? “Wala, wala,” gulat na reaksiyon niya… “Basta right now, I’m single and I’m happy. The usual answer na, ‘I’m concentrating on my career.’”
Pero nagkaroon rin naman sila ng good relationship with Maxene? “I never said that we had a relationship,” paglilinaw niya.
Hindi niya lang ba inamin ang real score sa publiko? “We were close before, pero right now, I don’t get to talk to her.”
Gaano katagal – o kaikli – ang “pinagsamahan” nila? “Seven months ‘ata,” pag-amin niya.
Para ma-in love si Dominic sa isang babae, ano ba ang hina-hanap niya? “Sa ngayon, hindi ko talaga iniisip, eh. Wala akong specific kind. If she’s kind, bahala na.”
Is he dating somebody? “No one. Sana nga, meron, pero wala, eh. Hindi ako naghahanap, eh. Wala lang. ‘Pag may dumating, eh ‘di masaya.”
Sa seven months na “pinagsamahan” nila ni Maxene, sino ang nakipaghiwalay kanino? “Ah, hindi na natin pinag-uusapan ‘yun,” iwas niya.
Pero sa paghihiwalay nilang ‘yun, friends pa rin ba sila? “I think so… oo, yeah…”
Ayaw na ba niya ng showbiz girlfriend sa susunod? “’Yun nga, it depends. Showbiz or non-showbiz, ‘di ako nami-mili.”
Since pareho silang Kapuso, nagkikita o nagkakasalubong ba sila sa GMA? “I saw her once sa Party Pilipinas. Nagpansinan naman kami, pero hi-hello lang.”
Sa nangyaring seven-months na “samahan” nina Dominic and Maxene, ano ang natutunan niya? “Don’t fall in love really fast, take your time,” makahulugang sabi niya.
Whirlwind romance ba ang nangyari sa kanila? “Wala akong sinasabi…” iwas uli niya.
Bakit ‘Don’t fall in love too fast’ ang kanyang natutunan sa “relasyon”? “Eh kasi, ‘di ba, in all relationships, take it slow.”
Nagra-“rush” ba sila nu’ng together pa sila ni Maxene? “I think so… We all make mistakes. We must learn from our mistakes.”
Ano ba talaga ang dahilan ng pahihiwalay nila? “’Wag na nating pag-usapan ‘yan,” pakiusap ni Dominic.
For feedback, e-mail us at [email protected].
Mellow Thoughts
by Mell Navarro