HINDI MAN kinausap, binati naman daw ni Dominic Roco ang tatay na si Bembol Roco nang magkita noong nakaraang Pasko sa bahay ng lolo niya. Wala naman daw silang pag-uusapan at tanggap na naman niyang may ibang babae na ang ama. Kasama niya that time ang mom niya at solo naman si Bembol.
Palibhasa mahusay na aktor ang ama, namana rin ito ni Dominic na isa sa magagaling nating young actors. Biggest break niya ang Ang Nawawala entry last year sa Cinemalaya, sa TV naman katatapos lang niya ng Makapiling Kang Muli at ginagawa niya ngayon ang Indio with Sen Bong Revilla.
Sa CCP kung saan may mga audition para sa Cinemalaya entries ngayong taon, isa sa mga nakapila si Dominic at du’n namin siya nakausap. Tanong namin sa kanya, nagbida na siya bakit pumipila pa rin siya sa mga audition?
“Wala lang, mas tama naman na pumila ka at makapasa ka sa mga direktor, ‘di ba? I just followed rules kaya andito ako. Suwerte naman ‘pag napili ka, di ba? Cinemalaya is I may say, the biggest and the most credible film festival dito sa atin,” sagot niya sa amin.
‘Yun na!
HINDI NAMAN nakaaapekto kina Maja Salvador at Kim Chiu na kahit may tensyon sa pagitan ni-lang dalawa ay going smooth pa rin ang trabaho nila bilang magkasama sa mala-pelikulang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak. Tensyon as in irapan, isnaban o parunggitan dahil kapwa professional naman ang dalawa. In a way, nakatulong ‘yun sa dalawang young actress upang mas lalo nilang pagbutihan ang pagganap lalo pa’t mahuhusay ang mga kasama nila gaya nina Ronaldo Valdez, Ariel Rivera, Eddie Gutierrez, Cherry Pie Picache, Janice de Belen at Ms Pilar Pilapil.
Tingin naman namin ay magiging “friends” pa rin ang dalawa lalo’t may dalawang lalaking gu-magawa ng paraan upang magkasundo silang muli (‘yun ang sabi!), ang kanilang kapareha sa serye na sina Enchong Dee at Xian Lim.
Anyway, kung mahusay na si Enchong, napapansin na ang husay ni Xian sa pag-arte. So, hindi na siya another pretty boy in the ‘biz, huh! Nakatulong siguro ang pagpasok ni Alex Medina, ang best actor sa Cinema One Originals Filmfest kaya naging alisto ang dalawa.
Pinag-uusapan sa apat na sulok ng bansa ang IKA dahil sa napakagandang istorya nito at ang mga bagong kabanata sa kuwento na hindi mo talaga tatayuan sa panonood. Kudos sa dalawang magaling na direktor na sina Direk Don Cuaresma at Direk Jojo Saguin.
HINDI PINALAD na makasali si Joyce Ching sa Miss Chinese-Philippines na gaganapin sana sa Hong Kong early this year. Medyo sad at a bit depressed ang young actress since siya ang nanalo dito kung saan pinaghandaan niya’t pinagkagastusan ang naturang patimpalak.
Hindi pumayag ang GMA Artists sa dahilang naka-kontrata si Joyce sa kanila, baka raw sakaling manalo si Joyce ay bigyan ng kontrata at mawala sa kanila. Sabi ni Joyce, alam naman daw niya ‘yun at siyempre kung may kontrata man, ipapaalam niya ‘yun sa kanyang network. Nanghihinayang siya at kung sakali mang manalo, damay ang Kapuso Network since du’n siya naka-kontrata.
Galit naman si dating Mayor Lito Atienza na siyang organizer ng Miss Chinese-Philippines sa GMA 7. Maganda pa naman daw ang kanyang adhikain upang lalong mapagtibay ang Fil-Chinese ties sa papamagitan ng contest.
Anyway, “kinamumuhian” pa rin si Joyce bilang kontrabida ni Barbie Forteza sa Paroa, habang katatapos lang niyang gumanap bilang teenage mother at drug addict bilang si Michelle Perez sa Magpakailanman. Malapit na ring ipalabas ang first indie film niya sa ilalim ng Sun Stars Films, ang Gabriel (Ito Ang Kuwento Ko), kapareha ang baguhang aktor na si Norris John sa direksyon ng inyong lingkod.
‘Yun lang!
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer