NAGBALIK NG ‘Pinas si Donita Rose dahil sa offer ng GMA 7 na Basta Everyday Happy, isang cooking show na kasama rin sina Gladys Reyes, Alessandra de Rossi at Chef Boy Logro.
Isang matagumpay na Chef na si Donita sa Las Vegas at nagtatrabaho in a plush restaurant, kasama ang husband na isang computer expert na nakilala niya sa Singapore.
Matatandaang pagkatapos niyang mag-host ng Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN, nagdesisyon si Donita and her husband kasama ang kanilang mga anak na manirahan sa Las Vegas.
Pero dahil sa hindi niya matanggihan ang offer sa GMA7, nagdesisyon itong magbalik-‘Pinas. Tamang-tama naman dahil isa na siyang successful chef, magagamit niya ito sa pang-umagang cooking show na magsisimulang umere sa May 12, bago ang Ryzza Mae Show at Eat Bulaga.
Hindi naman itinanggi ni Donita na hinahanap-hanap din niya ang pag-arte at pagharap sa camera kaya hindi natanggihan ang offer.
UNANG NAPANSIN kaagad sa all-female group Batchmates na binubuo nina Aura, Jonah, Cath, Marie, Sophy at Vassy ay ang kanilang malulusog na boobs, kaya tinanong ang grupo kung original ba ang kanilang mga dibdib na halos lumuwa na sa suot nila habang sumasayaw?
Nagkakaisa at pinagdiinan naman ng grupo na orig ang kanilang dibdib at kaya raw mukhang malaki at halos lumuwa ay dahil sa gamit nilang push bra. Maging ang kanilang katawan ay wala raw niretoke dahil takot daw sila sa ipinapasok sa katawan ng mga nagpapalipo.
Dating member ng Mocha Girls si Aura, na ngayon ay nasa grupo na binuo ng manager/discoverer na si Lito de Guzman na after one year ay ngayon lang muli bumuo ng grupo ng mga babae na siya ring nagpakilala noon ng Baywalk Bodies. Katuwiran ni Aura, tapos na raw ang kontrata niya sa Mocha Girls. Wala rin daw kinalaman ang tsismis na may tomboy sa nasabing grupo kaya siya umalis dito. Sa Batchmates daw ay pantay-pantay silang lahat. Walang lider at lahat sila ay matatawag na member, not like daw sa Mocha Girls na kapag nawala si Mocha ay wala na rin ang grupo.
Bukod sa pagsasayaw, mahusay ring kumanta ang Batchmates kaya mayroon na rin silang album na self-titled. Bago pa nailabas ang album ng grupo, madalas na silang mag-show sa Singapore at Malaysia. At bilang bahagi sa promo ng kanilang album ay lilibutin ng grupo ang ilang sangay ng Padi`s Point.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo