NARAMDAMAN ng fans ng ‘Social Media Goddess’ na si Donnalyn Bartolome ang kanyang pagkawala sa YouTube nang hindi ito nagparamdam ng dalawang linggo. ‘Yun pala, may pinagdaanang pagsubok ang dalaga.
Sa kanyang bagong video blog upload ay ibinahagi niya na siya ay naging biktima ng food poisoning. Ayaw na niyang mapagdaanan pa ang sakunang ito.
Aniya, “I was poisoned. You can die from this. It’s deadly because of dehydration. It was the most painful feeling for me.”
“Sobrang sakit nito. You wouldn’t want anyone in your family to feel the way I did. Maaawa kayo [You’ll feel bad for them],” dagdag pa niya.
Ang mga sintomas na naranasan ni Donnalyn ay ang mga sumusnod: nausea, vomiting, diarrhea, and passing out. Hindi nga raw siya halos makapagsalita. Ganun siya kahina!
“Pain comes in waves of short intervals. I’m tapping my pillow to communicate and as a reaction to my pain, I can’t speak,” nakasulat sa captions ng kanyang video.
Mas pipiliin na lang daw niya na ma-injure kaysa ma-food poison muli.
“I would rather break a bone than to ever feel the way I did with food poisoning,” she said. “When you break your bone, you can avoid feeling the pain by just not moving. You can control it.”
“This one, you’re not in control. Not being in control of your body was mental torture for me and feeling mo talaga mamamatay ka na kasi kada hilab ng tiyan ko, it was so painful na mahihimatay ako.”
Pag-alala ng dalaga, kumain siya ng tilapia, tuna in can, mayonnaise, cookies, at milk. Hindi niya ma-pinpoint kung alin sa mga ito ang may poisonous content dahil siya lang ang nakaramdam ng sintomas sa kanilang household.
Hindi man siya nakapunta sa ospital, ibinahagi pa rin ni Donnalyn kung ano ang mga ginawa niya habang siya ay nagdurusa sa food poisoning.
Ayon sa dalaga, mas mainam na lagi kang nakaupo ng maayos, uminom ng maraming tubig to stay hydrated, take medications mula sa doktor at matulog. Magpahinga!
Dagdag pa niya na dapat ay maghugas maigi ng kamay at ilagay ang mga pagkain sa tamang lalagyan. Linisin rin ang mga utensils sa bahay para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.
Ingat, everyone!