BEING a video jock (VJ) for MYX and having a recording contract for Universal Records ay masasabing angat na angat si Donny Pangilinan sa kanyang mga ka-batch sa 2018 Star Magic Circle.
Bukod sa pagiging VJ and performer, Donny will also pursue his dream of becoming an actor sa pelikulang ginagawa ngayon ni Direk Joey Reyes. Introducing si Donny sa Walwal na pinagbibidahan nina Elmo Magalona, Kiko Estrada at Jerome Ponce.
Naka-two shooting days na si Donny sa Walwal and according to him, so far, so good naman daw ang nangyayari. His role in the film is an aspiring filmmaker na gustong maging kagaya ni Brillante Mendoza.
Hindi rin daw siya nahirapang makasundo sina Jerome, Elmo at Kiko.
“They’re all very friendly naman. Para lang kaming magkakabarkada. Nakita ko naman na inaalalayan nila ako being a first timer sa pag-arte,” kuwento pa niya.
Medyo nakatulong din daw sa kanya na kilala niya at kaibigan ng pamilya niya si Direk Joey Reyes para maging relax siya sa syuting.
“Mas relax lang ng konti yung environment pero siyempre, I need to deliver kasi pantay-pantay lang naman kami sa set,” sambit pa ng binata.
Among other Star Magic Circle member na medyo familiar na rin sa mga tao ay sina Leila Alcasid, Anna Luna at Tom Labrusca. Yung ibang member, kailangan pang gumawa ng mark para makilala.
La Boka
by Leo Bukas