PAPASUKIN na rin ni Donny Pangilinan, anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, ang pag-arte. Isa siya sa mga bida ng youth-oriented film na gagawin ni Direk Joey Reyes sa Regal Entertainment na may title na Walwal.
“Sobrang excited po ako. Actually, matagal na akong nagdadasal, ang tagal ko ng iniintay nito,” kwento ni Donny sa amin.
Patuloy ni Donny, “Gusto ko po talagang umarte. Kasi nagho-host na po ako, may record label na po ako pero wala pa po akong acting project.
“So nag-meeting po kami ni Mother (Lily Monteverde), sobrang blessed po ako kasi I get to be part of this barkada movie that I can relate to kasi siyempre 20 years old lang po ako, so pinagdaanan ko talaga yung nangyari sa movie. In the movie, we’re showing a different side of teenagers.”
Hand-picked si Donny ni Direk Joey para maging isa sa bida ng Walwal. Ayon sa binata, family friend nila ang director kaya madaling nakumbinse ang mommy niya na mag-showbiz na rin siya.
Paliwanag ni Donny, “I’m super blessed kasi sobrang close siya sa family namin and I get to really work with him, i-prove yung craft ko, saka I couldn’t believe that my first movie, it would be directed by Direk Joey.”
Samantala, kasama ni Donyy sa Walwal sina Jerome Ponce, Elmo Magalona at Kiko Estrada.
La Boka
by Leo Bukas