ISANG MAHALAGANG PANGYAYARI ang ipinag-papasalamat ng mga kababayan ko sa Botolan, Zambales. Kahit laging napo-front page at laman pa rin hanggang ngayon ng mga headlines sa TV ang trahedyang naganap dahil sa bagyong Kiko, salamat sa Panginoon at wala namang namatay.
Agad inimbestigahan ni Mayor Roger Yap, dati kong schoolmate sa Botolan High School, at natuklasan nilang false alarm pala ang nabalitang may 2 taong nalunod sa kasagsagan ng matinding baha na dulot ng pagkawasak ng dike sa baryo Cara-el (accent on the second syllable po) at Taugtog (hindi po Tugatog gaya ng binabanggit ng isang network).
Ina-attribute ito sa mga dati kong classmates na sumugod sa mga binaha sa baryo ng San Juan, Batonlapoc, Paco, Camara, Paudpod, Bangan, Alamac, Capayawan, Tayaong, Beneg at iba pa, sa presensya ng Ina Poonbato (Apo Apang para sa amin), na kung inyong natatandaan ay nabalita din noong pumutok ang Mt. Pinatubo na halos natabunan ang buong bundok ng Loob-Bunga, pero, hindi ang imahen ng Ina Poonbato. Isang helicopter ang kumuha ng imahen at inilipad ito sa isang ligtas na lugar, kasama ang iba pang lumikas na naninirahan sa paligid ng bundok.
MINSAN PANG PINATUNAYAN na behind every man’s success and failure at maging kaligayahan at kalungkutan ay isang babae. Ito ang nagaganap ngayon sa kaibigang Carlo J. Caparas na kapag lumalaban ay tiyak na naroon ang maganda at palaban ding kabiyak na si Donna Villa.
Mahigit isang Linggo na ring “pinapatulan” at “pinag-uusapan” ang isyu tungkol sa pagkakahirang kay Carlo bilang isa sa mga National Artist ng bansa. At hindi nagsasawa si Donna na ipagtanggol ang asawa laban sa kanyang mga detractors. Tuloy, mas maraming hindi pa alam ang mga tao na katangian ni Carlo na siyang dahilan kung bakit mahal na mahal siya ng mga kapwa manunulat at ipinagtatanggol nang walang kasawa-sawa.
Narito ang ilang punto ng pahayag ni Donna:
“Ito ang totoo sa lahat ng lumalabas ngayon. Gusto nilang siraan si PGMA using her choice of National Artist. Sino pinakasikat d’yan? ‘Di si Carlo J. so kailangan banatan nila para may mag-publish at makinig sa kanila. Itong mga naninira ay wala pa namang mga taong natutulungan because they could not even help themselves. They have failed miserably in their own fields. Walang kumukuha sa mga trabaho nila walang nakakikilala sa kanila at sa trabaho nila kundi ‘yong maliit lang nilang grupo. Carlo J. has been helping lots of people dahil big hits na patronized ng tao from komiks, movie and now TV. Carlo has received countless of awards in and out of showbiz. Siya lang ang celebrity na may national road sa Pasig under his name. Siya lang din ang taga-showbiz na may 6 stamps honoring his works like Panday, Pieta, Bakekang, Kamandag, Gagambino and Joaquin Bordado. Siya lang din ang may Presidential Medal of Merit. May mga international awards din. May PASATAF honor pa siya na binigay ng mga teachers from all over the Phillipines. Noon pa man may 400 scholars na siya. Hanggang ngayon hindi siya natutulog sa pagtatrabaho. ‘Yong mga nagrereklamo, kahit isa wala niyan. He’s the People’s Hero!”
BULL Chit!
by Chit Ramos