NAGING MATAGUMPAY ang nakaraang art exhibit na aming itinanghal, ang Orobia & Sons Painting Exhibition sa Atrium, Executive Bldg., Mandaluyong City Hall. Ito ay sa kabutihang-loob ng butihing alkalde ng lungsod na si Mayor Benhur Abalos, Jr. sa Orobia family of painters: Juan Lorenzo Aiya Orobia, Prof. Abe Lvna Orobia, Baste Lvna Orobia at ang inyong lingkod Maestro Orobia. Ito ay upang espesyal na maitampok ang aming mga obra sa kanilang malaking pagdiriwang ng Arts Month sa temang ‘Pistang Daluyong’. Ito ay upang kasabay na ilunsad ang 84th anniversary of the Act of Changing the Name of the Municipality of San Felipe Neri in the Province of Rizal to Mandaluyong.
Ang orihinal namang layunin ng pagtatanghal ay upang muling mag-display ng aming mga obrang mga paintings sa Kaban ng Hiyas ng Mandaluyong. Ito ay ang proyektong pinasimulan mahigit 20 taon na ang nakararaan ng dating Senador Neptali Gonzales, Sr., upang maging sento ng arte, musika, at mga pagtatanghal at bigyang-diin ang kahalagahan ng kaalaman sa kultura. Bukod doon, bumili sila ng apat na orihinal naming mga likha na ngayon ay permanenteng koleksyon ng Kaban ng Hiyas. May lungkot at saya sa aking puso tuwing naaalala ko ang butihing senador na siyang nagbanggit na darating ang panahon na kami ng aking mga anak ay ituturing na mga next national artists ng bansa. Natatawa naman at nangingiti lang ako at ang seryoso niyang tinuran ay mula sa kanyang puso at pagkilala sa aming sining arte.
Kung kaya’t nang aking muling pagdalaw sa kanyang memorabilia museum ay nagbigay-pugay ako sa alala ng senador at para bang dinalaw kong muli ang yumaong butihing senador ng bansa.
Ang mga naiisip ko, ano kaya ang mangyayari kung malaki ang pulitika sa arts? Samantalang iniisip ko na ang aking pagiging alagad ng sining, ako at ang aking dugo, ang himaymay ng aking ugat ay nagdidibuho mula sa aking puso at kaisipan hindi para hangaan o ipagbunyi kundi ang aking angking sining ay maglikha ng obra mula sa malalim at masusing pag-aaral at pagsusuri.
Bukod dito ay naging malaki ang suporta naman ng dating alkalde ng lungsod na si Mayor Benjamin Abalos, Sr. sapagkat nagpa-commission siya noon ng isang mural ‘tiger painting’ sa aking anak na si Abe Orobia noong 1996 sa kanyang pananaw na matapos ang dalawang dekada, ang Mandaluyong ay tunay na magiging isang tiger city. At nangyari nga ang lahat ng ‘vision’ na ito tungkol sa lungsod sapagkat isa sila sa kilala bilang isang maunlad na prime city na may tiger economy.
Kung kaya’t ang aming eksklusibong pagtatanghal ay naganap noong nakaraang Nobyembre 24-29, 2015 sa exhibit na pinamagatang “Dos Kuwatro”. Dos, sapagkat ito ang aming ikalawang exhibit sa lungsod at ‘Kuwatro’ upang ipahiwatig na apat kaming visual artists na magtatanghal.
Katulad ng inaasahan, ito ay dinaluhan ng maraming tao, kasama na ang aking guest artist na si Ernie Garcia, at dinaluhan mga kapwa pintor na mag-amang si Fil Delacruz at Janus Delacruz, Ral Arrogante, Oying Madrilejos, Nonie Alipio, at mga businessmen ng Mandaluyong, mga kaibigan, media at marami pang iba. Dahil dito binanggit ng pinuno ng Cultural & Tourism Office na si Nolan Angeles na muli nilang aayusin ang lumang gusali ng City Hall upang gawing museum at isa na rin tayo sa naimbitahan upang magbigay ng mga opinion tungkol sa larangan ng arte, kung kaya’t ako man ay natutuwa sa ganitong larawan ng pagkilala sa aking mga kontribusyon sa sining.
Sa pagkilalang ito, naalala ko tuloy ang nasira kong trophy dahil sa bagyong Ondoy. Ito ay ibinigay sa aking recognition ng bumubuo ng Asia Pacific Execellence Award sa Arts and Culture Category. Kamakailan, muli ko itong ini-restore upang maiayos dahil sayang naman.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Email: [email protected]; cp: 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia