BONGGA ANG grupong Down To Mars dahil sa dinami-rami ng boyband sa bansa ay sila ang magiging representative ng bansa sa gaganaping National Day ng Korea sa July 22, kung saan aawit sila ng isang 2 English at 1 Korean song na kanilang ibinalita sa launching ng kanilang self-titled album, ang “Down to Mars”.
Bukod sa nasabing event na gagawin sa Korea na kanilang pinaghahandaan, busy rin ang grupo sa nalalapit na promotion ng kanilang 1st album na naglalaman ng five tracks na distributed ng Poly East Records na composition ni Kenji Chua katulong si Jang Ampana sa carrier single na My Everything, kung saan nakasama ng mga ito si Marian Rivera sa kanilang MTV, Fool’s Paradise, Fly, O, katulong nila si Jeongwon Song sa pagsulat, sa Oh, Oh Here We Are at Nandito Lang Ako.
Dumalo sa kanilang album launch sina Wilma Galvante, Marivin Arayata at ang staff ng Party Pilipinas, kung saan regular na napapanood ang grupo. Namataan din namin sina Louise Delos Reyes, Mayton Eugenio, Miggy Eugenio, Yassi Pressman, Nomer, Lira at G- Men para sumuporta sa grupo. Ang Down To Mars ay binubuo nina Kenji, Jang, Yheen, Sky, Kiro at Daisuke.
EXCITED NA ang Tween star na si Teejay Marquez sa nalalapit na shooting ng Mohammad/ Abdula na ang ilang eksena ay kukunan sa Indonesia . Ito raw kasi ang kauna-unahang pagkakataon ni Teejay na mabisita at makapunta sa Indonesia.
Ito na rin daw ang tsansa niyang ma-meet nang personal ang kanyang mga tagahanga sa Indonesia kung saan may fan base ito sa nasabing bansa. Gusto raw kasing pasalamatan ni Teejay ang mga tagahanga niya roon na walang sawang sumusuporta sa kanya na umaasang makita nang personal ang young actor.
Happy rin daw ang mga Indonesian fans nito dahil balitang malaki ang posibilidad na maipalabas sa Indonesia ang Mohammad/ Abdula lalo na’t gusto ng Taiwanese/Japanese Producer nito at ni Robby Tarozza na maipalabas ang said film ‘di lang sa Asya kung hindi maging sa Europa at Amerika.
MAS PINILI ng nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor na makasama ang mga anak at apo sa kanyang kaarawan last May 1. Ayaw raw kasi ni Ate Guy ng bonggang-bonggang birthday celebration kaya naman kahit ang birthday special sana nito sa TV5 ay tinanggihan din nito.
Mas gusto raw ni Ate Guy na makasama ang kanyang anak at apo, dahil matagal-tagal na rin daw na hindi niya nakakasama ang mga mahal sa buhay sa kanyang kaarawan noong nasa Amerika pa siya. Kaya naman daw ngayong nasa Pilipinas na siya, mas pinili niyang makasama ang mga ito sa kanyang birthday.
Isa lang daw ang wish ni Ate Guy sa kanyang kaarawan, ang bumalik na muli ang kanyang ginintuang tinig nang sa gayon ay maawitan daw niyang muli ang kanyang mga Noranians. Miss na miss na raw kasi nitong umawit at magkaroon ng konsiyerto lalo na’t ito raw talaga ang kanyang first love, ang umawit.
BLIND ITEM: Sino itong young Actor na mula sa isang probinsiya ang sinasabing boy toy ngayon ng isang sikat na bading na concert producer na hiwalay na sa kanyang long time BF/ live-in partner na isa ring producer.
Kaya naman daw kahit hindi gaanong malapit ang suwerte sa young actor sa Showbiz, kung saan ga-patak ng ulan ang dating ng trabaho nito ay okey lang sa guwapito/ hunk young actor dahil suportado naman ito ng mayamang producer sa lahat ng kanyang pangagailangan.
In love na in love daw si Rich Gay kay Bagets Actor dahil balitang ito raw ang nakauna, as in naka-devirginize sa may maamong mukhang hunk young actor. Kaya naman daw super bigay ito ng kung ano man ang hilingin ng batang actor, kasama na rito ang isang expensive car na ngayon ay minamaneho ni Bagets.
Well sino si Bagets? Isa siya sa visible pa rin na nagmula sa isang reality based artista search at patuloy pa ring umaasa na mabibigyan ng magandang proyekto ng kanyang home studio.
John’s Point
by John Fontanilla