BAHAGI NG KALOKOHAN ng nakaraang administrasyon kung saan parang bulang naglaho ang milyones na pondo ay ang CAMANAVA Mega Flood Control Project sa ilalim ng pamamahala ni Project Engineer Carla Bartolo.
Ipinangalandakan noon ng DPWH na kapag naisagawa ang nasabing proyekto ay tiyak malulutas na ang problema sa baha sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Ang nangyari, parekoy, hindi lamang lalong lumala, bagkus kabaligtaran ang nangyari.
Dahil ang mga lugar na dating hindi binabaha, ngayon ay lubog sa kaunting ulan lamang.
Gaya ng Brgy. Niugan, Malabon kung saan umaangal si Brgy. Chairman Eric Fulgencio dahil sa baha, na kung tutuusin ay hindi naman nila nararanasan noon.
Ayon kay Chairman Fulgencio, noong nagpatupad ng proyekto sina Engr. Bartolo ay iniwang nakatiwangwang ang malaking bahagi ng kanilang barangay sa tabing-ilog na hindi man lang isinagawa ang “concrete dike” ayon sa plano.
Ito ang masakit, parekoy, sa ulat nina Engr. Bartolo, completed na raw ang trabaho sa nasabing area gayung nakatiwangwang naman ito!
Susmaryosep! Saan napunta ang milyones na pera na dapat sana ay ipatapos sa nabanggit na proyekto?
Kaugnay nito, humihiling ang mga taga-CAMANAVA na sana ay imbestigahan ng Senado ang kabulastugang ito.
Hindi lamang dahil sa milyones ang perang naglaho na parang bula.
Higit sa lahat ay upang mabunyag kung sinu-sino ang nagsabwatan para magkamal ng pera.
At naglagay sa panganib sa buhay ng mga residente!
KAYA PALA BULAG, pipi at bingi si Gen. Antonio Decano sa iniulat na collection nina SP03 Jojo Cruz at Maj. Lleva sa mga iligalista sa Camanava ay dahil umaabot ng milyon lingu-linggo ang sumasampa sa kanyang tanggapan.
Ito, parekoy, ang isiniwalat ng ating tawiwit!
Hindi pa kasali riyan ang direkta umanong parating ni Ed Pineda, ang bagong Jueteng King sa Valenzuela na nagpapakilalang dikit kay Gatchalian.
Sa Quezon City ay kasalukuyang namumulaklak ang nasa 500 makina ng video karera nina Art Riviera at Maj. Dela Fuente na naka-konekta kay alyas Dacne.
Ano ba ‘yan NCRPO Chief Gen. Alan La Madrid Purisima?
Ito ba ang malalim na kahulugan ng matuwid na daan?
MAKINIG SA AKING programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: [email protected]; call or text 09321688734.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303