GINANAP NG Actors Guild of the Philippines (KAPPT) nina Pres. Rez Cortez as president, Chairman of the Board Maria Isabel Lopez, at VP for External Affairs Evangeline Pascual ang PortrAYAL (LAYA): Portraits for Freedom, sa pakikipagtulungan ng Mendez BIG and Small Art Co. na ginanap noong July 4, 5 p.m.; at July 7 sa A.R.T. Center ng SM Megamall.
Marami ang nagsipagdalong movie artists katulad nina Heber Bartolome, Dandreb Belleza, Heart Evangelista, Lotlot de Leon, Ernie Garcia, Baron Geisler, Louie Ignacio, Lani Lobangco, Mara Lopez, Maria Isabel Lopez, Jao Mapa, Melissa Mendez, Cesar Montano, Nadia Montenegro, Evangeline Pascual, Rosanna Roces, at Chris Villanueva.
Bigyan natin ng buhay ang pagsasa-larawan sa canvas ng mga artista na katulad ni Dr. Joel Mendez. Paano ba ang naisip ninyo at nagkaroon ng art exhibit? “Well, ahh… ang namumuno nito ay si Maria Isabel Lopez, ‘noh, saka si Vangie Pascual.”
Ah, mga artista talaga sila.. “Ay, oo! Saka mga beauty queens. Saka me gallery tayo, ‘yong Small and Big Companies. So, bilang artista rin, nagho-host at nagdi-direk din, sumang-ayon naman kaagad ako. Para raw ito sa mga prisoners.”
Nice, nice. At saka ito, kasama na rin iyong exposure as an artist? “Oh, yes, definitely! Bilang mga artista na visual artist this time, hindi lang umaarte, ngayon ang ginagawa nilang pag-arte ay sa visual arts mismo sa canvas. Kaya ang acting nila ngayon ay nagdo-drawing, nagpipinta.”
Ah, sa bagay, saka pwede itong halimbawa ay social realism na makikita sa paligid, ito nasa canvas na or bahala na silang tumingin. “Saka ‘yung purpose kasi nga, para sa mga prisoners ito, madali mong ma-appreciate ‘yung mga ibig sabihin nila.”
Ayon pa kay Dr. Mendez, mga 15 to 20 years old, nagpipinta na siya. “Ah ‘yun talaga ang hilig ko.”
Ah, parang artist, director at doctor pa. Ang pag-aartista parang scientist din kasi, dapat malikot din ano? “Oo, malikot, masalimuot. Kung anu-ano ang mga gusto mong paggagawin. So, ganu’n, kasi nagdo-doktor nga rin. Bago ako naging Dr. Joel Mendez, nagpipinta na rin talaga ako. Artist na afterwards naging doctor ng mga artista.”
Ah, ‘di ba ‘yung pagdo-doktor eh, nag-aaral kayo ng human anatomy? “Ay, oo! Pinag-aaralan namin ‘yun, at ikaw naman bilang artist, alam ko naiintindihan mo rin yun.”
Ang galing! Ah, bukod dito nakailan na kayong exhibit? “Ah, bukod dito, this group mga pang-tatlo o lima pa talaga.”
“Ah, hindi naman, we’re trying to really concentrate and see what’s gonna happen. For the next five years, ngayon nasa planning na, medyo iba-iba lang ang gagawin naming theme para alam mo na makatulong sa mga kapus-palad. Minsan eh, iimbitahan ka rin namin, sir.”
Muli kong tinanong si Dr. Mendez… ah, sorry sir, ha? Ahhhhm.. me mga anak na kayo? “Ah, me mga anak na… ano ‘yon?”
Ah, ‘yung panay single or bachelor, hahahahah! (sabay appear kay Dok Mendez) “Ah, single forever! Ang mga anak natin ay mga artist, mga nagpipinta!”
Sabagay, ‘yung pag-aasawa, masalimuot ‘yan eh, parang pipigilan ka sa mga dapat mo pang maabot. “Hindi naman, hindi naman, ang lovelife nand’yan lang ‘yan all the time. Kaya lang ang pagpapamilya, talagang kailangan eh, tutukan mo rin.”
Ah, paglaanan. Ah totoo ‘yan. Artist na artist kayo, ang galing. Pati sa bigote. “Hahahaha! Salamat po ng marami.”
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Email: [email protected]; Cp. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia