Regular listener kami sa DZMM sa radio. Paggising sa umaga, naka-tune-in na kami sa DZMM 630.
Ang isa sa mga rason namin, hindi man kami nakapagbabasa ng dyaryo regularly, at least, updated kami sa mga balita sa kapaligiran, lalo na sa mga national news na inaabang-abangan namin, lalo pa’t malapit nang magsimula sa kanyang panunungkulan ang bagong halal na si Rodrigo Duterte.
Pero madali kaming magsawa sa kung minsan ay paulit-ulit na pagbabarum-bado ni Digong na tuloy (hindi ko man siya kilala nang personal kaya hindi ako makapaghusga), mas nag-e-enjoy kami sa pang-hapon na music program sa DZMM ni Bro. Jun Banaag from 1:00 in the afternoon to 3:00 p.m. listening to his playlist of old and nostalgic music.
Sa radio show ni Bro. Jun ko napakikinggan ang mga older than Frank Sinatra, Diomedes Maturan, or Julie Andrews music na sa kanya ko lang nadi-discover (at siyempre sa super late night program din ni DJ Richard sa DZMM na kasunod ng evening show ni Bro. Jun na ang concept ay counselling on the air).
Masarap pakingan sa hapon si Bro. Jun while we write our columns.
Bukod sa soothing to our ears ang mala-refrigerator (read: malamig) na boses ng favorite old-time DJ namin na rumaratsada pa rin sa ere (sa ilang dekada na niya sa radio industry) na ang salary ay huwag mong tawaran (bongga at P250,000 a month plus bonuses ang TF ng Bro. Jun. Hahaha!) at knowledgeable pa siya sa mga background ng mga singer ng mga awitin na pinatutugtog niya; his afternoon music relaxes our senses and feed our soul.
Kung pwede nga lang matulog para mag-siesta sa hapon while Bro. Jun plays his music at dededmahin ko ang mga deadline ay ginawa ko na.
Aside from his afternoon music show, ang kanyang counselling program on the air na “Dr. Love” which follows after the showbiz-oriented show na “Mismo” na host ang mga kaibigang Jobert Sucaldito and Ahwel Paz ay ang taas din ng rating.
Recently, heard that Bro. Jun was confined for a couple of days sa hospital for reason and details na hindi pa namin nakukuha at nalalaman from his radio E.P. na si Charlie Navartey.
Hope to see you again, Bro. Jun, kapag nag-guest co-host ako sa kaibigang Jobert sa kanyang radio show para mai-roll call ko ang 7 continents of the world. Hahaha!
By the way, sa kanyang evening show na “Dr. Love”, kung St. Pio devotee ka, at the strike of 12 midnight ay isinasagawa sa programa niya ang healing prayers for St. Pio.
Reyted K
By RK VillaCorta