NANGGALING si Jerome Ponce sa broken family kaya nakaka-relate siya sa journey ng character niya as Intoy sa pelikulang Walwal. Dito rin daw siya humuhugot.
“Siyempre importante yung pinagdaanan sa pamilya. I mean, hindi naman nangyayari sa kasalukuyan, pero nagagamit ko pa rin yon kahit tapos na. Naa-apply mo talaga ang hugot at karga sa iskrip na parang totoong nangyayari,” reaksyon ng binata.
Eh, anong feeling na ipinagkatiwala sa kanya ang mga dramatic scene sa Walwal?
“Siguro, nasa peak lang ako na heto ako, na katatapos ko lang sa The Good Son at napanood yon ni Direk Joey.
“Marami akong natutunan, marami akong karga sa lecture ng mga director ko. Si Donny, first movie niya ito na acting-acting. Si Elmo, katatapos lang nila iyong kay Janella.
“Tapos, si Kiko, first time kong maka-work, so hindi ko masasabing lumamang ako o hindi. Sa akin, maipagmamalaki ko na sobrang lamang ako dahil drama ang ibinigay sa akin na doon pa ako maraming karga at pinanggagalingan,” paliwanag pa ni Jerome.
Samantala, bukod kina Jerome, Elmo, Kiko at Donny, kasama din sa Walwal sina Kisses Delavin, Devon Seron, Jane de Leon at Sofia Seneron.
Showing na ang ultimate barkada movie ng Regal Films on June 27.
La Boka
by Leo Bukas