NATULOY DIN sa wakas ang pangarap. Magkakaroon na rin ito ng sakatuparan.
Dream come true para sa aktor na si Coco Martin ang pagsasama nila sa pelikula ni Bossing Vic Sotto para sa darating na Metro Manila Film Festival 2018.
Nag-usap na sina Coco at Bossing Vic tungkol sa project na pagsasamahan nila.
Sa isang panayam sa actor kamakailan ay nasabi niya na excited siya sa gagawin nila ng komedyante. “Sobra, kasi matagal ko nang pangarap na magkatrabaho kami ni Bossing. Pinalad naman na pinagbigyan niya ako.”
Aminado si Coco na idol niya ang komedyante noong kabataan niya.” Syempre, Tito, Vic and Joey ‘yan. Lahat naman tayo talaga idolo sila lalong-lalo na pagdating sa komedya.
“Isang malaking karangalan na makatrabaho ko si Bossing,” pagmamalaki pa ng aktor.
Kinalakhan ni Coco ang komedyante noong bata pa siya kasama ang dalawa na sina Joey de Leon at Tito Sotto na TVJ (Tito, Vic and Joey) troika nila.
Si Bossing Vic naman ngayon ang makakasama ng ‘Ang Probinsyano’ matapos sila magtambal ni Vice Ganda 2 years ago for the same film festival.
Sa recent announcement ng MMFF 2018 Screening committee, kabilang sa first four entries ang pelikula nina Coco at Bossing Vic na pasok na may titulo na ” Popoy En Jack: The Puliscredibles” kung saan producer din ang dalawang bida with their own film productions na MZet, CCM at katuwang ang APT.
Kabilang sa mga na-aprub ng MMFF 2018 Committee ay ang mga pelikula nina Vice Ganda, Anne Curtis; Kim Chiu, Jericho Rosales, Jessy Mendiola at Tom Rodriguez. Ia-announce din ng MMFF committee ang apat pa na mga pelikula na mapapabilang sa walong official entry para sa December filmfest soon.
Reyted K
By RK Villacorta