PATOK NGAYON sa social media ang iba’t ibang video ng App na ito, ang Dubsmash. Ang Dubsmash ay isang video messaging application na puwede nating mai-download sa iOS at Android. Ang App na ito ay ni-launch nu’ng November 19, 2014 ng mga founder nito na sina Jonas Druppel, Roland Grenke, at Daniel Taschik. Ang App na ito ay hahayan kang mamili ng audio record na para kang nagse-selfie, pero dina-dub mo ang mga famous line, quotes, kanta, o mapa-hugot na linya sa mga movie at iba pa. Kaya patok ito sa masa, mapa-bata man o matanda ay talagang pampa-good vibes ang mga video na ina-upload ng mga bawat isa. English o Tagalog man ay puwedeng-puwede mong i-dub gamit ang App na Dubsmash.
Patok ang mga iba’t ibang linya na pinagkuhaan sa movie. Tulad ng linya ni Tere, bidang karakter sa “English Only, Please”, kung saan marami ang mga nag-video rin sa kanyang linya na “Oo na! Ako na! Ako na mag-isa” at hindi rin mawawala ang mga dub sa favorite movie ng karamihan, ang “One More Chance”, mga linya nina Popoy at Basha tulad ng linya ni Popoy na “She love me at my worst and you had me at my best. At binalewala mo lang lahat ng ‘yon” at ni Basha na “Ako na lang, ako na lang ulit” at marami pang mga puwedeng gayahin o i-dub sa App na ito ulad ng tawa ni Minion ng Despicable Me, parody ng kantang Chandelier, at marami pang ibang mga kuwela na pampa-good vibes sa bawat isa sa atin.
Pitong araw matapos i-launch ng mga founder ang App na ito, naabot nila agad ang number 1 spot sa kanilang bansa, Germany. ‘Di rin nagtagal ay naging patok na ito sa bawat bansa kasama na ang ating bansa, dito sa Pilipinas. Ayon sa iba, itong App na ito, ang Dubsmash ay parang isang bagong uri ng pag-selifie, kung sa selfie ay post-post ka lang, picture dito, picture diyan, itong Dubsmash naman ay parang selfie rin na nire-record mo naman ang iyong dina-dub, sabi nga nila ay panibagong selfie na tinawag nila na selfie with a talent dahil naka-video na, at nagda-dub ka pa.
Iba’t ibang feedbacks ang mga nanggaling sa mga sumubok na sa App na ito na short video lang siya pero talagang nakagu-good vibes dahil sa paggaya o pagda-dub sa napiling linya sa movie at iba pa.
Kaya sa mga social media kahit sa mga fanpage sa Facebook, Twitter, Instagram ay mga iba’t ibang Dubsmash ang mga nagkalat na ating makikita o mapanonood dahil talagang trending siya, patok na patok sa trip ng mga tao na pampa-good vibes talaga kapag wala magawa o meron man. Kaya i-try mo na ang App na ito, ang Dubsmash na maaaring i-download sa iOS at Android at maki-dubsmash na ng iba’t ibang favorite n’yong mga quotes, music, at iba pa. Kaya tara at i-download na ‘yan at let’s selfie na with a talent o Dubsmash.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo