NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Concerned citizen lang po ako dito sa Dasmariñas, Cavite, irereklamo ko lang po iyong dugyot na bakery dito sa Brgy. Burol 1. Bumili kasi ako ng pandesal at nakakita ko ng itlog at dumi ng ipis. Buti na lang di ko kaagad nakain. Pakitawag naman po ang pansin ng mga kinauukulan para mainspeksyon itong bakery na ito. Kawawa naman ang mga bumibili dito na karamihan ay estusyante.
- Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa Mabalacat City ng Pampanga na pakiayos naman iyong mga daan at kanal dito sa Brgy. Duquit, Dau dahil matagal na pong hindi naaayos.
- Isa po akong concerned citizen, hihingi lang po sana ako ng tulong para magkaroon ng police visibility dito sa Palatiw, Pasig City dahil hindi na po matigil iyong mga nakawan at holdapan dito sa amin. Nagkalat na rin po ang mga adik. Wala pong ginagawang aksyon ang nasa barangay. Tulungan n’yo po kami.
- Irereklamo ko lang po ang isang bahay dito sa amin dahil sa mga kulungan ng baboy at ‘yung dumi ng kanilang baboy au sa ilog nila pinababagsak. Ang baho po at nagkakasakit ang mga bata. Dito po ito sa may Cupang, Antipolo. Sana ay matulungan ninyo kami.
- Irereklamo ko lang po iyong ginagawang tulay po namin sa Brgy. Darangan sa Binangonan, Rizal dahil halos two years na po ay hindi pa rin tapos. Nakatengga lang po at nagdudulot ng traffic. Nahihirapan po dumaan ang mga tao dahil baka mahulog.
- Isa po akong concerned citizen, may irereklamo langpo ako dito sa 21 Kalayaan Avenue Cembo, Makati City kasi po iyong daanan namin dio ay ginawa na pong parking lot. Nahihirapan po kaming dumaan. Ipinarating na po namin ito sa aming barangay pero wala pong aksyon.
- Gusto ko lang po sanang ihingi ng tulong sa inyo iyong lugar kasi namin sa Sitio Paikit sa Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna. Ang mga kalsada po kasi ay ginagawa ng paradahan at tinayuan na ng istraktura. May mga area pa po na iskinita na binubungan at ginawang labahan at nilagyan ng kulungan ng mga manok. Wala na po halos madaanan. Malapit lang po ito sa barangay hall pero walang aksyon na ginagawa ang barangay.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo