SA PAMAMA-GITAN ng aming kolum dito, we would like to echo the call of Dulce for her untiring effort na suportahan ang kanyang kapwa mang-aawit at idolong si Susan Fuentes who’s in dire need of help.
Binansagang Queen of Visayan Songs na nagpasikat sa mga awiting Usahay, Miss Kita at iba pa, mahigit tatlong linggo nang naka-confine si Susan sa National Kidney Institute, undergoing regular dialysis sessions. Ten years ago when Susan underwent a kidney transplant, pero hindi raw ibig sabihin niyon that she’s over with her renal failure.
Naging malapit sina Dulce at Susan sa isa’t isa when they met at a church event kung saan inimbitahang kumanta ang una. Susan began her singing career ahead of Dulce, kaya naman ganu’n na lang daw tingalain ng huli ang kanyang predecessor.
Their church chance meeting had spilled over to Susan’s frequent visits to Dulce’s house, hanggang du’n na lang natuklasan ng huli ang iniinda nitong problema sa kanyang health condition. Isang araw, kinailangan nang isugod ni Dulce sa ospital si Susan who needed immediate medical attention, hirap na raw kasi ito sa kanyang paghinga.
More than three weeks of confinement, Susan’s hospital bills have mounted, kaya naisip ni Dulce na i-post sa Facebook ang kanyang panawagan sa mga kapwa singer na tulungan si Susan. One of the first to have immediately responded to Dulce’s call was Isay Alvarez.
Naisip nilang magtanghal ng isang fund-raising show with a handful of fellow artists tulad nina Jim Paredes, Aiza Seguerra, Jed Madela, etc. who have pledged their participation. Idaraos ang pagtatang-hal sa Zirkoh Bar na pinamagatang Usahay: A Moment for Susan this August 28.
Ayon kay Dulce, “usahay,” a Visayan term, means “minsan,” kaya naman ang panawagan niya sa mga nais mag-abot ng tulong kay Susan ay ibigay ng mga ito ang “minsang pagkakataong” ‘yon para maitawid nito ang kanyang buhay.
Let this story about a former “queen” serves as a lesson sa bawat artista, singer o sinumang alagad ng industriya that “tomorrow is never promised”.
Nakalulungkot mang isipin, pero kapulutan sana ito ng aral ng bawat isa sa atin in realizing that fame and fortune are transitory, pasasaan ba’t mawawala rin ang mga ito. Here’s hoping that Susan Fuentes rise above her condition, kasabay ng aming pagsaludo kay Dulce at sa iba pang mga mang-aawit sa kanilang layunin para sa isang kabarong na-ngangailangan ng agarang tulong.
ABANGAN NGAYONG Miyerkules sa Face To Face ang kuwentong pinamagatang Stepdaughter Type Si Stepfather… Binulaga Sa Banyo Nang Wala Si Mother! Todo-deny si Sherilyn sa eksenang nasaksihan umano ng tsismosang si Leonora, pero inamin naman ng hitad na tipelya niya ang kanyang amain.
Nagawa lang naman daw ni Sherilyn ang “banyo scene” dahil sa kanyang matinding galit sa kanyang inang si Annabelle na nanakit at nagpalayas sa kanya. Katuwiran naman ng amain na si Ryan, si Sherilyn daw ang nanukso sa kanyang pagkalalaki.
Tunghayan naman bukas, Huwebes, ang isa na namang katsipang episode na Mister Sa Beki Pumatol Dahil Si Misis Ayaw Sa Santol! Nagsilbing special sawsawera ang mga standup comedians na sina Anton Diva at Arnel Tamayo sa kuwento kung saan huling-huli ni Sheila na chino-chorva ng beking si Archie ang kanyang dyowang si Julius sa garahe.
Two years na palang dyowa ni Julius si Archie na ipinagmalaki pa ng hitod! A straight guy proud of his gay lover? In this day and age of “humanitarianism”, lima singko ‘yan, Kuya Dan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III