SALUDO SI VIC Sotto kay Sen. Bong Revilla. Tanggap ng komedyante na mas maraming salapi ang senador dahil kinaya nitong magpaulan ng datung sa Christmas party.
Ayon kay Vic, hindi lang daw generous si Sen. Bong kundi malapit din daw ito sa mga maliliit na tao. “Actually, ngayon lang kami nagkasama in one movie, pero bilib ako sa taong iyan dahil may dahilan talaga kaya siya nag-number one sa Senado last election.”
Sa kabuuan, hindi raw hangad nina Vic at Sen. Bong ang magpatalbugan sa kanilang unang pelikulang pinagsamahan. Ang ginawa raw nila ay nagtulu-ngan.
NGAYON PA LANG, marami na ang nag-aabang sa pelikula ni Jennylyn Mercado, dahil bukod sa kakaiba ang pelikulang ito na kung saan ang tema ay 20’s, inaabangan din ang mga daring scenes ng aktres.
“Actually, hindi naman ako nahirapan sa role ko, kasi kung ano ‘yung mga ginagawa ngayon ng mga kababaihan sa panahon natin, iyon ang ginampanan ko. Kasi ‘yung role ko, liberated, kung ano ‘yung ipinaglalaban at gusto niya noong unang panahon, siya ngayong nangyayari sa mga kababaihan natin ngayon.”
Sa kabilang banda, inamin naman ni Dennis Trillo na this Chirstmas ay magkakasama ang mga anak nila ni Jennylyn. “Plano naming dalhin ang mga bata sa Hong Kong para ma-appreciate nila ang lugar na iyon.” Ani Dennis na nagsabi pa sa Pinoy Parazzi na habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagmamahal niya kay Jennylyn.
KUMPIRMADONG DINALAW PALA ni Lovi Poe si Congressman Ronald Singson sa Hong Kong kamakailan. Ayaw nang idetalye pa ni Lovi ang ginawa niyang pagbisita, pero sapat na raw na nagkausap sila nito.
Dahil sa ginawang pagbisita ni Lovi, marami ang nagsasabing nagkabalikan na sila, bagay na ikinangiti na lang ng dalaga.
“Sa amin na lang po iyon. Huwag na nating pag-usapan siya. Basta ang impotante, masaya ako ngayong Christimas.”
Sa kabuuan, sinabi pa rin ni Lovi na walang dahilan para basta na lang niya talikuran ang tulad ni Ronald, dahil una at higit sa lahat, naging mabait naman daw ito sa kanya.
KUMPIRMADONG MAWAWALA NA sa ere ang programang Pilipinas Win Na Win, kung saan ay hahabaan na ang oras ng programang Showtime. Bale ito na ngayon ang makakatapat ng Eat Bulaga ng Channel 7.
Base sa nakarating sa aming balita, makakasama pa rin daw si Pokwang sa magiging reformat ng Showtime. “Masyadong malakas ang Showtime at sa tingin ng Channel 2, ito lang ang puwedeng tumapat sa show nina Tito, Vic and Joey.” Sabi sa amin ng aming source.
Samantala, usap-usapang tuloy na tuloy na rin daw ang paglipat ni Aga Muhlach sa Channel 5 matapos na hindi na ito pumirma ng bagong kontrata sa Dos. Sabi ng isa pang insider, kaya raw pinabayaan na ng Channel 2 na lumipat si Aga ay dahil hindi naging successfull ang programang pinagsamahan nila ni Ai-Ai delas Alas.
More Luck
by Morly Alinio