Sa ulat ng GMA News online, lumapag ang eroplano ng Philippine Airlines flight PR 538 na sinakyan ni Pia Wurtzbach sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago mag-alas-6 ngayong umaga.
Hindi lang local media ang nag-cover sa homecoming ni Pia Wurtzbach sa Pilipinas kundi maging mga international press.
Saad ng bagong hirang at pangatlong Miss Universe ng bansa, “Napakasaya ko po. Hindi po ako makatulog kagabi dahil sobrang excited ko na finally makauwi na.
“Thank you for coming here quite early.
“I don’t want to reveal too much, I want to save my experiences during my press conference tomorrow.
“It feels that it has been so long, I can’t wait to share [my experiences] guys with you.
“Napakasaya ko po nakauwi na ako ulit dito sa Pilipinas. Grabe, parang lalaban ulit.”
Isa sa mga sumalubong kay Pia Wurtzbach ay si Mrs. Stella Marquez-Araneta ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), ang namamahala ng Binibining Pilipinas pageant.
Naging top trending topic sa Twitter ngayong araw din ang #MissUMostBeautiful day bilang pagpupugay ng mga Pilipino sa pagdating ni Pia.
BUSY SCHEDULE. Bukod sa kanyang short press conference sa presidential lounge ng NAIA, wala nang iba pang schedule ngayong araw si Pia.
Bukas, January 24 magaganap ang kanyang grand press conference.
Sa Lunes, January 25 gaganapin naman ang kanyang homecoming parade mula Hotel Sofitel sa Pasay City, hanggang sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Naka-schedule din ang kanyang courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III at pagbisita niya sa Senado sa Lunes din.
Sa Martes, January 26, magkakaroon ng courtesy call si Pia sa maraming alkalde ng Metro Manila at sa Miyerkules, January 27 naman nakatakda ang kanyang charity day.
Sa Huwebes, January 28, isang engrandeng tribute ang gaganapin sa Araneta Coliseum para sa ating Miss Universe.
By Parazzi Boy