NAKAKALOKAH ANG mga artista sa ipinrodyus naming indie film, ang Dyagwar. Nu’ng nag-last shooting day na ay lungkot na lungkot sila. Kung kelan daw sila naging close with one another ay du’n pa mapuputol.
Eh, kung hindi namin tatapusin ang shooting ay iiyak na kami sa gastos, kaya sabi namin sa kanila, “Hoy, indie film ito, hindi teleserye, huh!”
Kuwento ng magpinsang “gwardya” ang “Dyagwar”. Magkaiba ang kanilang ugali, magkaiba rin ang klase ng kanilang “pakikikama,” este, “pakikisama” sa iba’t ibang klaseng tenants ng compound na kanilang ginugwardiyahan.
Pinangungunahan nina Eric Fructuoso at Boom Labrusca bilang security guard. Ang baklang balyenang si Chiokla Gaston naman ang katiwala/ kasera ng compound na “kina-career” si Boom. Matikman niya kaya ito?
Si Jed Montero naman ang “pinapantasya” ni Eric, kaso, “makabantay-salakay” kaya siya sa dyowa nitong DOM? Ang iba pang tenants: Marissa Sanchez, Alex Calleja, April Sun, Arran Sese, Joe Black.
Kasama rin sina Randolf Stematalaky, Tado, Bentot, Jr., with special participation of Paolo Serrano, Bekimon at Kuya Jobert Austria, produced by OgieD Productions, Inc., sinulat namin ni Sid Pascua at sa direksiyon ni Sid Pascua.
Nakakatuwang pelikula. Feel good, kumbaga. Pero marami ang makaka-relate. Masarap ba silang kasama o sa kama? Ang ginagawa ba ng mga “Dyagwar” ay “Waley o Havey?” Abangan.
Sana, makapasok sa limang indie films sa New Wave Digital Film Festival sa Dec. 17-21 sa Robinson’s Galleria. Sana, palarin.
By Ogie Diaz
Sugod Shooting
Pinoy Parazzi News Service