SA WAKAS, magkikita na kami ng aming kaibigan, kumare at forever friend na si Ms. Ai-Ai delas Alas, dahil presscon ng Enteng Ng Ina Mo na siyang entry ng M-Zet at ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival.
Excited din kami, kasi, kami ang mag-iinterbyu kina Bossing Vic at Ai-Ai na ipalalabas sa Entertainment Live this Saturday.
Ang tagal na rin naming hindi nagkikita ng aming kumare, kaya nangako kami sa isa’t isa na kataku-takot na huntahan, tsikahan at harutan ang mamamayani sa aming mga puso.
ISA PANG noon pa ay gusto kaming imbitahan para makapagkape sa mala-mansion niyang bahay sa Antipolo itong si Mareng Pokwang. Masarap ding kakuwentuhan itong babaeng ito, lalo na kung ninanamnam namin ang “hirap na dinanas” namin nu’ng araw na hindi pa kami nagso-showbiz.
‘Di bale, magtugma lang talaga ang mga panahon natin ay isa-isa naming pupuntahan sina Ai-Ai at Pokwang para sa timeout-muna-sa-trabahong tsikahan.
FINALLY, NATANGGAP na namin ang magandang balita mula sa bumubuo ng New Wave Digital Film Festival na isa sa limang pasok na indie films ang aming first ever produced indie film na Dyagwar starring Eric Fructuoso, Boom Labrusca, RR Enriquez, Marissa Sanchez, Chiokla Gaston, and others.
Mula Dec. 17-21 lang ang advance screening ng limang pelikulang tag-isang sinehan sa Robinson’s Galleria at bongga, dahil ang limang pelikulang kalahok (kung saan si Direk Mark Meiley ang siyang chairman) ay may kani-kanyang araw ng premiere night sa mga natu-rang petsa.
Best Picture lang ang gagawaran ng tropeo sa MMFF Awards Night para sa mga kalahok na indie films.
ANG DYAGWAR ay kuwento ng magpinsang guwardiya ng isang compound at sila mismo ang nakakasaksi, nakaka-encounter ng labas-masok na tenants na may kani-kaniya ring kuwento at kung paanong “nasangkot” dito ang mga guwardiya.
Naging Kapamilya rin ng mga tenants (Marissa Sanchez, Alex Calleja, Arran Sese, Jed Montero, April Sun, Joe Black) at ng mataray na baklang katiwala na si Chiokla Gaston at “dakilang pokpok” na si RR Enriquez sina Eric at Boom, pero sa bandang huli, bakit sila umiiyak? Sino ang nagpaiyak sa kanila?
At ano ang kinalaman ng “mahiwagang banyo” sa tabi ng kanilang guard post?
Kami po ng direktor na si Sid Pascua ang sumulat ng script, kaya ang mga tanong ay masasagot na sa December 17-21 sa Robinson’s Galleria.
ALAM N’YO na sigurong lahat na sasampahan ng kasong Violence Against Women & Children si DJ Mo ng ex-girlfriend nitong si Rhian Ramos, dahil sa pinalalabas nitong nagpalaglag si Rhian.
Damay na rin ang paghiling sa korte ng kampo ni Rhian sa pamamagitan ni Atty. Lorna Kapunan ng permanent protection order para hindi na makapagsalita pa ng kahit ano si DJ Mo kay Rhian at ‘wag na nitong i-harrass ang young actress.
Ilang comments na rin sa mga social networking sites ang nabasa namin at itinatanong nila kumba’t si Mo lang ang kinakasuhan, dapat daw ay kasama rin si Rhian.
Hay, nako… ewan namin kung saan ito patungo.
Oh My G!
by Ogie Diaz