‘Dynamite’ ng BTS, pinakamabilis na music video na umabot sa 101.1 Million views sa YouTube!

Showbiz Blogster

MALUPIT talaga ang nangungunang boy band sa mundo ngayon. Ito ay walang iba kundi ang BTS!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naglabas ng all-english single ang Korean superstars na sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook entitled ‘Dynamite‘ para aliwin ang kanilang international fans habang karamihan ng fans nila ay stuck sa kani-kanilang bahay.

BTS in ‘Dynamite’ MV Teaser

Para sa BTS Army (tawag sa fandom ng grupo), ang BTS ang grupong kanilang piniling mahalin at suportahan dahil maliban sa guwapo at talentado, masisipag pa ang mga ito na kahit may pandemic ay naghahanap talaga sila ng paraan para maka-reach out sa kanilang fans.

Sa sobrang pagmamahal ng BTS Army na may ambisyosong plano na abutin ang 100 Million views sa YouTube sa loob ng 24 oras, nalagpasan pa nila ang kanilang initial goal dahil umabot ito ng 101.1 Million views! Nakakaloka!

Dito mapapatunayan na powerful talaga ang fans ng nasabing grupo. Natalo nito ang record ng isa pang K-Pop group na BLACKPINK para sa kantang ‘How You Like That’ na nakalikom naman ng 80 Million views. Na-break ng girl group ang record din ng BTS noon para sa ‘Boy with Luv’ MV na sila ang titleholders last year. Pasahan na lang ba ito ng korona, mga mamser? Hek-hek-hek!

BTS in Dynamite MV

Masayang-masaya ang BTS at BTS Army dahil ang ilan sa kanila ay talagang kinarir ang pagstream ng music video na nakakabilib ang dedikasyon talaga!

Kung gusto ninyo ng feel-good dance song na may retro and good vibes, swak na swak ang ‘Dynamite’ ng BTS! Habang isinusulat namin ito ay nasa 260 Million views na ang original music video ng ‘Dynamite’.

BTS in Dynamite Music Video

Sa mga local celebrities natin ay si Liza Soberano ang isa sa hindi nakapagpigil at nagpost na mismo sa kanyang main account na i-stream ang ‘Dynamite’ sa YouTube. Aminado ang aktres na meron siyang sariling ‘stan’ account for BTS fangirling, pero mukhang nakatulong ang pag-tweet ng dalaga dahil nagtrending ang kanyang pangalan sa Twitter isang araw pagkatapos i-launch ang music video.. Pak na pak!

Bilang regalo sa kanilang loyal ‘armies’, naglabas ng B-Side version ng ‘Dynamite’ kung saan mas lumitaw ang kanilang personalidad at mas pogi rin sila sa kanilang mga kuha. Sabi nga ng mga armies, ang main MV ng ‘Dynamite’ is how the world sees BTS. Ang B-Side version ay kung paano nila nakikita ang BTS. Ang video naman na ito ay umabot na rin sa 45 Million views and still counting!

Maliban sa mga nabanggit, naglabas din sila ng Instrumental, Acoustic, EDM, Tropical and Poolside remixes ng kanta. Talagang mapapa-light it up like Dynamite ka na lang talaga!

Nanalo naman ang BTS sa apat (4) na kategorya sa katatapos lang na 2020 MTV Video Music Awards. Naiuwi nila ang tropeyo para sa Best Group, Best Pop, Best K-Pop at Best Choreography. Pinerform din nila for the first time ang kanilang newest hit na ‘Dynamite’. Sa totoo lang, kinabog nila ng bongga ang ibang international singers na nagtanghal. Napakalupit talaga!

Previous articleVLOG WATCH: A Day in the Quarantine Life of Joshua Garcia
Next articleALWAYS ALL WAYS: McCoy de Leon at Elisse Joson, nagkabalikan na ba?

No posts to display