OLACHIKKA.. NAKU MGA kafatid,maloloka kayo dahil kahapon, Lunes, ay nagkausap kami ng friend ko at ‘yung kasama niyang isang Turkish national na sobrang yaman sa bansa nila. Sa aming mahabang tsikahan ay kung anu-ano na lang ang aming pinagusapan. Pati ang friend niyang si Okay na isang Turkish ay nag-join rin.Nagpunta sa bansa si Okay dahil sa naghahanap ito ng mga entertainer para sa kanyang 26 bars and hotels sa Turkey. O, laban ka? Mayaman talaga. Ngunit ang masama lang nito, inaasahan niyang madali lang makakuha ng accreditation sa POEA pero nagkamali siya. Hindi okay, ha! Sounds okay lang! Hmmmm….Dahil pahirapan nga raw ang pagkuha. Kung wala kang kakilala sa loob, ay naku, 48 years ka muna maghihintay hangang sa magsawa ka.
Ang nakakaloka lang, sabi ni Okay, ay bakit sa ibang bansa like Korea, Japan, etc., ang bilis-bilis makakuha ng accreditation. Maganda naman ang offer ng Turkey sa mga Pilipinong entertainer dahil sa bansa nila ay wala ka diumanong maririnig na Pilipina inabuso,ni-rape o kung anu-ano pang kuwento ng pagmaltrato. Calling the attention of POEA at DOLE. Naku, sana wala namang palakasan. ‘Di ba nakakalerke? Tsika ni Okay, 60 years nang magkaibigan ang bansang Pilipinas at Turkey at kailan lang ay bumisita ang mahal na pangulo sa bansa nila. Kaya ang tanong ni Okay ay kung bakit ganu’n kahirap ang kumuha ng accreditation sa bansa natin. Hmmm….Nalungkot ako diyan. Ha! Ha! Ha!
SPEAKING OF NALUNGKOT,naku mga kafatid, hindi kayo malulungkot dahil itong friend kung si Okay ang nagtsika sa akin. Nagtanong siya sa akin habang ang friend ko ay nakikinig lang. Sabi ni Okay,”Tita Swarding, naniniwala ka ba na mayaman si Yilmaz Bektas?”
Siyempre, ang lola n’yo, walang kakurap-kurap na sumagot ng “Yes Okay, I believe that Yilmaz Bektas is very rich in Turkey because he told us.”
Naku ‘day, nawindang ang lola n’yo sa Inglisan. Ha! Ha! Ha!
“No, no, no, Tita Swarding, Yilmaz Bektas is not rich in Turkey!” tsika sa akin ni Okay. Kilala lang pala itong si Yilmaz ngunit hindi mayaman, kabaliktaran sa sinabi niya noon sa publiko. Kaloka, ha! Dahil ang totoo ay itong pamilya lang ni Yilmaz ang mayaman at hindi si Yilmaz. ‘Yan daw ang isa dahilan sa hiwalayan nila ni Ruffa Gutierrez. Kalerke, ha! ‘Yung bugbugan isyu ay true dahil daw ito sa pagkompronta ni Ruffa kay Yilmaz sa yaman niya kaya naaburido raw ang utak nito at napagbuhatan niya ng kamay si Ruffa. Hindi raw totoo na very rich ito sa bansa nila. Ang nakakaloka lang ay nang ipangalandakan ni Ruffa ito noon.
So, mas mayaman itong si Okay kaysa kay Yilmaz dahil may 26 bars and hotels ito sa bansa nila at ang isa pa sa ni reveal ni Okay sa akin.
Kaya nagka-usap kami ni Okay ay dahil itong friend ko ay naimbitahan ko sa birthday ng anak ko kahapon at kasama niya si Okay kaya nagkatsikahan kami. Hay, naku, marami pa akong ire-reveal kaya abanangan . ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding