HINDI NA BAGO para sa DZMM (AM radio station ng ABS-CBN) anchor na si Ahwel Paz na mas kilala sa tawag na Papa Ahwel ang pag-arte.
Hindi lang batid ng mga listeners niya na bukod sa pagho-host ng nightly entertainment show with Jobert Sucaldito ay umaarte din si Papa Ahwel sa telebisyon.
Lately kasi, tila aktibo ang karir niya as an actor since isinama siya sa cast ng afternoon serye na Pusong Ligaw na aside from his night show with Jobert at mga iba’t ibang mga kaganapan, lalo ang mga out of the country shows ng DZMM ay isang aktor si Papa Ahwel.
Sabi nga niya: “Blessing lang po Kuya RK na makuha tayo sa mga cameo roles sa mga movies at teleserye. Pero kung biyaya itong patuloy na darating ay yayakapin ko po kasi minsan lang dumarating ang mga oportunidad na ganito tsaka unang nagiging masaya ang pamilya ko lalo na ang anak ko. Kaya sana magtuloy-tuloy po. Pinapayagan naman po ako ng DZMM din.
Sa mga hindi nakakaalam, si Papa Ahwel ay may acting background noong nasa kolehiyo siya bago pa napasama sa mga anchors ng istasyon.
Kuwento niya: “Theater- stage actor po ako since high school hanggang college po. Naka-perform na po ako sa PETA, Balintataw (of Cecile Guidote-Alvarez) and CCP. First recipient po ako ng Ninoy Aquino Youth Talent Awards for Acting.”
Pagpapatuloy niya na ngayon ay sini-seryoso na niya ang pag-aartista, ang ganitong mga pagkakataon ay hindi na niya pinapalampas,
“ Maswerte lang din at naka-trabaho ko na sa movies ang mga Directors gaya
nila Chito Rono, Joel Lamangan, Carlo J. Caparas, Randy Santiago, Jun Lana, Romy Suzara, Tony Y. Reyes pati na sa mga teleserye gaya nila Direk Nuel Naval, Jeffrey Jeturian, Elfren Vibar, Jerome Pobocan etc..”pagbibida niya sa amin sa messenger interview namin sa kanya.
Kaya nga ngayon na bukod sa radio ay seseryosohin na rin niya ng pag-arte, if given a chance na magkaroon ng magandang offer sa movie or telebisyon, anong role at kuwento ang gusto niya gawin for a serye or pelikula?
Sabi ni papa Ahwel: “Hindi po ako namimili ng role lalo po na nag-uumpisa pa lang ako. kahit anong supporting role po kasi yung mga support character naman po ang nakakatulong magpa-angat sa mga bida.
“Kahit sino pong baguhan ay nangangarap na makasama ang mga malalaking artista gaya nila Coco Martin, John Lloyd, Sarah Geronimo, at mga love teams po natin kasi fan din ako ng lahat ng mga love teams,” sabi ng pahayag ng loveable na si Papa Ahwel sa amin.
Who knows, pag nabasa ng producer ng FPJ’s Ang Probinsyano na aksyon-serye ni Coco Martin, one of this days ay magulat na lang tayo na kabilang na pala siya sa mga cast ng show ng Primetime King.
Reyted K
By RK Villacorta