MALAKI ang tiwala ko sa broadcaster na si Jun Banaag ng AM radio station ng ABS-CBN na DZMM dahil paminsan-minsan lang talaga siya mag-recommend sa mga listerners niya worldwide.
Hindi naman kasi siya paid endorser pero kapag maganda sa tingin niya, expect na ipu-push niya ang isang bagay – mapa-pelikula, musika o events na sa tingin niya ay kailangan ng personal niyang suporta ay pinu-promote niya.
Di nga ba’t personally, I like the film Unforgettable na obra nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan na bida si Sarah Geronimo kasama ang batikang aktres na si Gina Pareno, si Bro. Jun na tawag sa kanya sa radio ay highly recommended ang pelikula ng Pop Princess na produced ng Viva Film at Idea First Company.
Sa kanyang Facebook account, sinulat ni Bro. Jun: ”THIS MOVIE IS REALLY “UNFORGETTABLE”. This is the kind of movie our society needs, full of values. Walang kahalayan, tumatatak at nag-iiwan ng aral. Hindi ko kilala personal si Sarah Geronimo pero pinahanga niya ako. Di mapapantayan ang galing ni Gina Pareño. Natural sa kaniya ang pag-arte. Tunay na tunay at bumagay sa kaniyang personality. Mapagmahal sa tao at sa hayop. Congratulations! Sarah at Gina. Sana marami pang pelikula ang gawin niyo.
Dagdag pa niya to spread the word about the film at sa magandang aral na matutunan ng manonood sa pelikula: ”Sa lahat ng Dr. Love Pilgrims (he leads a group of pilgrims sa mga biyahe na sinasamahan niya locally and internationally), I personally endorse this movie of Ms. Sarah Geronimo and Ms. Gina Pareño. Sulit ang bayad. Panoorin po ninyo,” pagkakasulat ni Bro. Jun.