Eagle Riggs, inatake sa puso!

NAGULAT KAMI SA malungkot na balitang nakarating sa amin bandang ala-sais ng gabi last Wednesday, January 5. Isinugod daw kasi sa Philippine Heart Center ang TV host-comedian na si Eagle Riggs.

Inatake raw si Eagle pagkauwi ng bahay galing sa taping ng teleser-yeng Sabel sa Tagaytay.

As of this writing, bagama’t nasa Intensive Care Unit (ICU) pa rin ang komedyante na nagbabalik-ABS-CBN, conscious na raw ito. Kasama rin si Eagle sa pelikula ni Ai-Ai delas Alas na Ang Tanging Ina mo: Last Na ‘To!

Hangad namin ang mabilis na paggaling ni Eagle.

NATUWA KAMI NANG sobra nang mabalitaan namin kay Tita Ethel Ramos na sasagutin ng butihing senador na si Bong Revilla ang gastusin sa Philippine Heart Center ng kapatid ng aming kaibigan sa panulat na si Rommel Placente na inatake rin sa puso.

Agad umoo si Sen. Bong nang ilapit ng manager ni Aga Muhlach sa kanya ang paghingi ng tulong pinansiyal ni Rommel para sa kanyang Ate na nakaratay sa Intensive Care Unit (ICU) ng nasabing ospital.

Naway dumami pa ang mga taong tulad ni Sen. Bong na bukas-palad tumulong sa mga nanga-ngailangan in and out of showbiz. No wonder, tuluy-tuloy pa rin ang blessings na natatanggap n’ya at ng buong Revilla family, gaya na lang ng pagiging topgrosser na naman ng kanyang pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote with Vic Sotto.

NAMATAAN NA NAMAN daw na nagde-date sa isang mall sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo!

Around 10 in the evening daw last New Year, Saturday, nang makitang naglalakad ang dalawa sa labas ng cinemas ng Greenbelt 3 sa Makati City.

Anong filmfest entry kaya ang pinanood nina Bea at Zanjoe that night?

Gerald Anderson, Alam mo na!

Kung kinausap ni Papa Piolo Pascual si Gerald para sa gagawing pelikula nito with Kim Chiu this year as courtesy, ginawa rin kaya ito ni Zanjoe sa young actor na napabalitang nagkaroon ng shortlived romance with Bea?

IN FAIRNESS, MARAMING nanood ng Rosario sa TriNoma cinema nang manood kami last Monday, January 3, considering na Lunes lang ‘yon.

At in all fairness talaga, hindi kami nainip sa pelikula, kahit na period movie pa iyon. And acting wise, hindi naman kami na-disappoint sa mga artistang nagsiganap. Kaya binabati namin si Albert Martinez para sa kauna-unahang pelikula na kanyang idinirehe.

WELL-DESERVED NAMAN TALAGA ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas na tinanghal na Best Actress ng 2010 Metro Manila Film Festival para sa Ang Tanging Ina Mo: Last Na ‘To.

Dalawang beses na naming napanood ang pelikula, pero tawa pa rin kami nang tawa mula umpisa hanggang sa matapos, kahit naulit ni Ai-Ai sa isang eksena sa sementeryo kasama sina Tonton Gutierrez, Jestoni Alarcon at Dennis Padilla na mga kamukha ng kanyang mga namatay na mga asawa ang dialogue n’ya na, “Kamukha mo ang pangalawang asawa ko…” na una n’yang sinabi kay Tonton at nasabi n’ya ulit kay Jestoni.

Nagulat naman kami sa acting ng young actress na si Carla Abellana sa ikatlong episode na “Punerarya” ng Shake, Rattle and Roll 12, dahil magaling s’ya sa kanyang role bilang teacher na nagtsu-tutor sa dalawang bagets na may lahing lobo na kumakain ng laman loob ng tao. Ang dalawang naunang episodes ay ‘di kagandahan. Kaya alam n’yo na!

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com.  Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

Previous articleJennylyn Mercado, sobrang na-depress sa pang-iisnab ng MMFF?!
Next articleAndi Eigenmann, na-ospital sa hirap ng taping!

No posts to display